Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Yasmien Kurdi, balik-primetime pagkatapos ng limang taon

by Jojo Gabinete
Aug 27, 2019
Yasmien Kurdi: Pakiramdam ko, parang lumipat ako ng department or job description. For the longest time, puro afternoon ang soap ko."
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang Rhodora X—na napanood sa GMA 7 mula January 27, 2014 hanggang May 30, 2014—ang huling primetime show ni Yasmien Kurdi bago namayagpag sa afternoon prime ng Kapuso Network ang mga drama series na pinagbidahan niya.

May nararamdamang excitement si Yasmien dahil after five long years, nagbabalik ang aktres sa primetime slot ng GMA-7 bilang isa sa mga bida ng Beautiful Justice.

Mapapanood ito simula sa September 9 at kapalit ng Sahaya na magwawakas sa September 6, 2019.

Pahayag ni Yasmien sa Cabinet Files, "More than anything else, excited po ako.

"Pakiramdam ko, parang lumipat ako ng department or job description.

"For the longest time, puro afternoon ang soap ko.

"Thankful naman ako at happy sa performances ng afternoon soaps ko when it comes to the support of the viewers.

"Sa primetime slot naman, feeling ko, parang lumabas lang ako sa comfort zone ko, which is yung mga panghapon na audience.

Continue reading below ↓

"Sa pang-gabi na timeslot, ibang viewers naman ang manonood sa akin so happy ako at excited."

Alice Vida ang pangalan ng karakter ni Yasmien sa Beautiful Justice, na isang drama action series.

Co-stars ni Yasmien sa Beautiful Justice sina Bea Binene at Gabbi Garcia.

"Sa Beautiful Justice, ako po si Alice Vida, namatayan ng asawa na isang PDEA agent.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Kasama ang ibang mga kababaihan, maghahanap kami ng hustisya sa pagkmatay ng kanilang mga mahal sa buhay.

"Beautiful Justice ang pamagat ng aming show because after what happened to my husband, instead of seeking out revenge, what I look for is justice and justice is moral, ethical hence more beautiful than revenge."

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasmien Kurdi: Pakiramdam ko, parang lumipat ako ng department or job description. For the longest time, puro afternoon ang soap ko."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results