Aktres, inilihim sa publiko ang pagkakaroon ng ovarian cancer

by Jojo Gabinete
Aug 27, 2019
Aktres, nagkaroon ng health crisis noong nakaraang taon pero hindi nito ipinaalam sa publiko ang kanyang pinagdaanan.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Nagkaroon ng health crisis noong nakaraang taon ang isang aktres, pero hindi nito ipinaalam sa publiko ang kanyang pinagdaanan.

Ovarian cancer ang karamdaman ng aktres na nalampasan ang mga pagsubok dahil maayos na maayos na ang kalagayan niya sa kasalukuyan.

Hindi naman inililihim ng aktres ang pagkakaroon ng sakit, pero sa tono ng kanyang pananalita, ayaw niyang gawing big deal ang pinagdaanang karanasan.

Iginagalang namin ang desisyon ng aktres na huwag nang magsalita tungkol sa kanyang health crisis.

Pero kung magbabago ang isip at ibabahagi niya sa publiko ang mga nangyari, siguradong magiging inspirasyon siya ng mga kababaihang may similar illness at nawawalan na ng pag-asang gumaling.

Walang-wala sa hitsura ng aktres na nagkaroon ito ng ovarian cancer dahil sa kanyang positive attitude na kahanga-hanga at dapat tularan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aktres, nagkaroon ng health crisis noong nakaraang taon pero hindi nito ipinaalam sa publiko ang kanyang pinagdaanan.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results