Tawag ng Tanghalan grand finalist Violeta Bayawa, nagulat sa video message ng dating asawa

by Jojo Gabinete
Sep 1, 2019
Violeta Bayawa, the 70-year-old semi-finalist of Tawag ng Tanghalan (lower right) was pleasantly shocked when Vice Ganda surprised her with a video message from her long-estranged husband Zacharias (top center), who now resides in Zamboanga del Norte. The couple's daughter Jennifer (lower left) was just as ecstatic to see her father for the very first time, albeit virtually.
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN

Kung kinamuhian ng netizens at ng It’s Showtime viewers ang Tawag ng Tanghalan Quarter 4 semi-finalist na si Shantal Cuizon dahil sa “composer ka lang” tweet nito tungkol sa punong hurado na si Louie Ocampo, pinaiyak naman sila ng kuwento ni Violeta Bayawa, ang 70-year-old semi-finalist din ng singing contest ng noontime program ng ABS-CBN.

Dahil sa pagsali niya sa Tawag ng Tanghalan, naungkat ang love story ni Violeta.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nakakalimutan ni Violeta ang unang lalaking kanyang minahal at pinakasalan noong 1970 pero iniwanan siya habang tatlong buwan na buntis sa kanilang anak.

“Kasi kasal po kami sa harap ng tao at sa harap ng Diyos. Yun lang po,” sagot ni Violeta nang tanungin siya ni Vice Ganda sa Saturday edition ng It’s Showtime kung bakit hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin niya ang lalaking nag-abandona sa kanila ng kanyang anak.

Bakas sa mukha ni Violeta ang sobrang pagkabigla nang sabihin ni Vice Ganda na may video message para sa kanya si Zacharias Bayawa, ang 80-year-old estranged husband niya na nahanap ng staff ng It’s Showtime sa bayan ng Leo Postigo, Zamboanga del Norte.

Continue reading below ↓

“Ga, congratulations dahil pambihira ang nagawa mo diyan sa Showtime.

"Dito sa Leo Postigo, Zamboanga del Norte, naging popular ka.

"Ako rin, nakilala ng mga tao dito dahil sa popularity mo ngayon.

"Daghang salamat, I hope na magpatuloy ang iyong suwerte.

"Magaling ka naman talaga since our time together.

Continue reading below ↓

"Wala na akong ibang masasabi kundi keep it up," mensahe ni Zacharias sa dating asawa niya.

Ang pagsali ni Violeta sa Tawag ng Tanghalan ang naging tulay para matunton niya ang kinaroroonan ni Zacharias.

Madamdamin ang mga sumunod na eksena dahil kasama ni Violeta sa It’s Showtime studio ang nag-iisang anak nila ni Zacharias, si Jennifer,

na hindi pa nakikita ang kanyang ama sa buong buhay niya.

Naging emosyonal si Jennifer dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nakita niya ang ama sa video message nito para sa kanyang ina.

“Kahit kailan po, hindi po ako nagalit sa papa ko.

"Longing po talaga ako, gusto ko lang po siyang ma-hug, kahit yun lang po. Makilala ko lang po siya, sapat na.

"Salamat po sa Tawag ng Tanghalan, kung wala po ito, hindi ko po makikita yung papa ko,” lumuluhang pahayag ng anak nina Violeta at Zacharias na sinabayan ng pag-iyak ng studio audience habang kinakausap siya nina Vice Ganda at Vhong Navarro.

Continue reading below ↓

Hindi tayo dapat magulat kung sakaling isadula ng Maalaala Mo Kaya ang kuwento ng inspiring story ni Violeta na nasubaybayan ng It’s Showtime viewers mula noong sumali siya sa Tawag ng Tanghalan.

Samantala, dahil sa kanyang rendition ng classing song na "Saan Ka Man Naroroon," nakapasok na sa grand finals ng Tawag ng Tanghalan si Violeta.

Continue reading below ↓

Sila ni Julius Cawaling ang kumumpleto ng grand finalists para sa Season 3 ng Tawag ng Tanghalan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Violeta Bayawa, the 70-year-old semi-finalist of Tawag ng Tanghalan (lower right) was pleasantly shocked when Vice Ganda surprised her with a video message from her long-estranged husband Zacharias (top center), who now resides in Zamboanga del Norte. The couple's daughter Jennifer (lower left) was just as ecstatic to see her father for the very first time, albeit virtually.
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results