PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jose Mari Chan happy about memes; huwag lang daw "offensive"

"I’m complimented."
by Jojo Gabinete
Published Sep 1, 2019
(Main) Jose Mari Chan performs a song number with Julie Anne San Jose; (Inset) He was also given an award by Sunday Pinasaya. Also in photo: (L-R) Wally Bayola, Jose Manalo, Ai-Ai delas Alas
PHOTO/S: Screen Grab from Sunday Pinasaya

Ilang araw bago sumapit ang September 1, nagkaroon ng countdown ang mga Pilipino para sa pagbabalik ni Jose Mari Chan, ang King of Christmas Carols ng Pilipinas.

Si Jose Mari ang isa sa mga itinuturing na simbolo ng Pasko, at tuwing magsisimula ang "ber months," naging tradisyon na ang pagpapatugtog sa radyo ng kanyang mga Christmas songs, particularly ang "Christmas in Our Hearts."

Ngayong Linggo, naunahan ng Sunday PINASaya ng GMA-7 ang lahat ng mga musical variety shows dahil special guest nila ang OPM icon na muling inawit ang kanyang pinakapopular na Christmas song, na tila naging hudyat ng pagsisimula ng Christmas season sa bansa.

Isang sorpresa ang inihanda ng Sunday PINASaya staff at hosts kay Jose Mari sa pamamagitan ng paggagawad sa kanya ng Puso ng Saya, ang parangal para sa mga natatanging Pilipino na may misyon na pasayahin ang kanilang kapwa.

Bidang-bida si Jose Mari sa social media kapag papalapit na ang September 1, kaya tinanong siya ni Jose Manalo tungkol sa kanyang nararamdaman sa atensiyong natatanggap niya mula sa mga kababayan natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Natutuwa ako, I’m complimented. I feel complimented and flattered. I wish they would not make offensive memes. You know, this song is a gift from our Lord that I share with our countrymen,” ang sagot ng Philippine King of Christmas Carols na may bagong Christmas album, ang Going Home To Christmas.

"There are 22 new Christmas songs, at kasama ko rin diyan yung mga anak ko at isang apo ko, with my daughter and three sons,” ang sabi ni Jose Mari na lubos ang pasasalamat sa parangal na ipinagkaloob sa kanya ng Sunday PINASaya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Main) Jose Mari Chan performs a song number with Julie Anne San Jose; (Inset) He was also given an award by Sunday Pinasaya. Also in photo: (L-R) Wally Bayola, Jose Manalo, Ai-Ai delas Alas
PHOTO/S: Screen Grab from Sunday Pinasaya
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results