Pagpapalaya sa tatlong suspek sa Chiong sisters murder case, inalmahan ng maraming Pinoy

by Jojo Gabinete
Sep 2, 2019
Sisters Marijoy and Jacqueline Chiong were raped and murdered on July 16, 1997. Twenty-two years later, three of the suspects of the Chiong sisters murder were released from prison.
PHOTO/S: File photo

Nagsilakbo ang damdamin ng maraming Pinoy sa balitang makalalaya na si former Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez dahil sa good conduct na ipinamalas nito sa 26 taon na pagkakabilanggo sa New Bilibid Prisons, Muntinlupa City.

Ang public outcry ang dahilan kaya hindi natuloy ang inaasahang paglaya ng suspect sa hindi makataong pang-aabuso at pagpatay kina Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong June 28, 1993.

Ngayong Lunes, September 2, nagsimulang maghimagsik ang kalooban ng mga Pilipino dahil sa kumpirmasyon ni Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon na nakalaya na ang tatlo sa pitong mga suspek sa pang-aabuso at pagpaslang noong July 16, 1997 sa magkapatid na Marijoy at Jacqueline Chiong ng Cebu.

Para sa maraming Pilipino, hindi dapat pinalalaya ang mga taong sangkot sa heinous crimes.

Sa naganap na Senate inquiry ngayong araw, inamin ni Faeldon na nakalabas na mula sa kulungan noong nakaraang buwan sina Josman Aznar, Alberto Cano, at Ariel Balansag dahil sa bisa ng Republic Act No.10592 (Good Conduct Time Allowance).

Continue reading below ↓

Pero iginiit ni Faeldon na hindi nito natatandaang ipinag-utos niya nang personal ang pagpapalaya sa tatlo.

Tulad ng Sarmenta-Gomez rape-slay case, celebrated case noong dekada ’90 ang nangyari sa Chiong sisters.

Hanggang ngayon, hindi pa rin natatagpuan ang katawan ni Jacqueline na pinagbasehan ng kuwento ng Jacqueline Comes Home, ang controversial movie na lumikha ng matinding ingay nang ipalabas ito sa mga sinehan noong July 18, 2018.

Sina Donnalyn Bartolome at Meg Imperial ang gumanap na Chiong sisters sa pelikula.

Naghatid kay Donnalyn ng trauma ang ingay na nilikha ng Jacqueline Comes Home na muntik nang maging dahilan para mag-quit siya sa showbiz.

Nang ipalabas sa mga sinehan ang Jacqueline Comes Home, nag-trending naman sa YouTube ang Give Up Tomorrow, ang documentary movie tungkol sa suspect na si Francisco Juan "Paco" Larranaga, na naninindigang inosente siya sa pagpatay sa Chiong sisters.

Nakakuha rin si Paco ng simpatiya mula sa mga millennial na nakapanood sa Give Up Tomorrow at naniniwalang biktima siya ng poor justice system sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Dahil sa dual Filipino at Spanish citizenship ni Paco at sa bisa ng Treaty on the the Transfer of Sentenced Persona, pumayag ang Department of Justice na ilipat siya noong September 2009 sa isang Spanish jail para roon niya pagdusahan ang life sentence sa kanya.

Mahigpit itong tinutulan ng Chiong family, pero wala silang nagawa.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sisters Marijoy and Jacqueline Chiong were raped and murdered on July 16, 1997. Twenty-two years later, three of the suspects of the Chiong sisters murder were released from prison.
PHOTO/S: File photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results