Rapper Geo Ong, may balak kayang pasukin ang pag-aartista?

by Jojo Gabinete
Sep 2, 2019
Geo Ong: "Yung mga music ko, makatotohanan. Hindi siya maraming pa-echos, maraming pa-cheche bureche na kanta. Straight to the point, may matututunan at may makukuha po yung listener."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Mula sa Puerto Princesa Palawan si Geo Ong, ang 22-year-old new discovery ng Viva Records at itinuturing na hottest rapper sa kasalukuyan.

Ang unang rap song na composition ni Geo ay ang "Kasalukuyan," na hindi nito inaasahang magkakaroon ng 7.5 million views nang i-upload niya sa YouTube.

Ang "Pekeng Kaibigan" na base sa kanyang tunay na karanasan ang pangalawang composition ni Geo.

Pumalo agad ito sa million views at tatlong araw na nanatili sa number 1 spot ng YouTube.

Sabi ni Geo, “Yung mga music videos ko ay isang paraan lang ng pagkukuwento ng istorya ko.

"Pero gusto kong isipin na yung mensahe ko ang tumatatak sa mga nanonood at nakikinig sa akin.

"Dapat totoo lang ako lagi sa sarili ko.

"Yung mga music ko, makatotohanan. Hindi siya maraming pa-echos, maraming pa-cheche bureche na kanta.

"Straight to the point, may matututunan at may makukuha po yung listener."

Ang pagkakaroon ni Geo ng movie-star look ang dahilan kaya tinanong siya ng entertainment press kung kasama sa kanyang mga plano ang umarte o mag-artista.

Continue reading below ↓

Sagot niya, "Kung meron pong oportunidad, pero ngayon po, hindi ako masyadong naka-focus doon. More on music talaga.

"Pero open naman po ako sa lahat ng opportunity, pero hindi ko po ipinu-push for now. Soon po siguro.

"Noong unang pagmi-meet namin ni Boss Vic del Rosario, yun po ang sinabi niya sa akin, ‘Puwedeng mag-artista ‘to! Mag-artista ka!'"

Naniniwala si Geo na kapalaran talaga niyang maging rapper/entertainer dahil walang nangyari sa kanyang music career kaya umuwi na siya sa Palawan.

"Nag-stay po ako sa Manila, then umuwi ako sa Palawan.

"Sabi ko, wala naman mangyayari sa gusto kong tahakin, so stop na po ako. Ayoko na.

"And then, pagdating ko doon, inilabas ko yung 'Kasalukuyan,' nag-trending.

"Sabi ko, hindi ako gustong lubayan, ako yung sinundan sa Palawan.

"Sabi ko, itutuloy ko na lang, kaya nag-music uli ako.

"And then, ito na po yung ginagawa ko talaga."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Geo Ong: "Yung mga music ko, makatotohanan. Hindi siya maraming pa-echos, maraming pa-cheche bureche na kanta. Straight to the point, may matututunan at may makukuha po yung listener."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results