ABS-CBN, GMA-7, TV5 stars welcome sa 12th anniversary ng Gabay Guro

by Jojo Gabinete
Sep 4, 2019
Gabay Guro Chairperson Chaye Cabal-Revilla (right), nakunan ng litrato kasama si Pops Fernandez (left) na isa sa performers ng 12th anniversary ng Gabay Guro, na gaganapin sa September 22 sa Mall of Asia Arena.
PHOTO/S: @popsfernandezofficial Instagram

Magaganap sa September 22, 2019 sa Mall of Asia Arena ang annual grand gathering ng Gabay Guro, ang education arm at flagship project ng PLDT-Smart Foundation na patuloy na nagbibigay ng parangal, pagpapahalaga, kabuhayan, at pag-asa sa mga guro sa buong Pilipinas.

Inaasahang mahigit sa 20,000 ang bilang ng mga guro na dadalo sa pagdiriwang ng ika-12 anibersaryo ng Gabay Guro na pinamumunuan ni Chairperson Chaye Cabal-Revilla.

Maraming mga guro ang natulungan ng Gabay Guro kaya nagkaroon ng idea ang isang telecommunication company na magbigay rin ng tribute sa mga teacher.

"Okey lang, di ba, the more the merrier?" sagot ni Revilla tungkol sa isyu.

"Our love for the teachers transcends competition.

"Like, as I mentioned, even before, ABS-CBN, pagdating sa Gabay Guro, lahat ng artists nandito—GMA-7, TV5, lahat. Tayo’y magkakapatid, magkakapamilya, kapuso, lahat!

"They’re actually welcome. Nung makita nila na maganda yung adhikain natin, e, di sumunod sila, okey lang po.

Continue reading below ↓

"Yung Gabay Guro, meron kasi talaga tayo na ginagawa rin, pero hindi lang natin sila ina-acknowledge sa grand event.

"We have pocket events din, The Teacherfest, sa regional areas," dagdag ni Revilla.

Sinagot din ni Revilla ang kontrobersiyang nahaluan ng pulitika ang Gabay Guro dahil ang mga teacher na pinapaboran ng local government units at ng Department of Education (DepEd) ang binibigyan umano ng tickets para sa star-studded event.

"When we partnered with the DepEd, the district supervisors and the LGUs, we trust them naman to do the right thing.

"Kasi sa distribution ng mga ticket, hindi na po namin sila pinapakialaman.

"Sana na lang, may takot sila sa Diyos to do the right thing."

Paliwanag pa ni Revilla: "Pero sa app na gagawin natin, para wala nang favoritism, magkakaroon na ng QR code.

"Kapag may QR code, personal mo na yun, like our votes. Magagamit lang siya ng kapitbahay mo kapag yung phone na personal sa 'yo, ipapadala mo.

Continue reading below ↓

"E, ngayon, ang telepono, mas importante pa kesa sa kahit ano."

Hindi nakapagtataka na umiiral ang favoritism sa pamamahagi ng tickets para sa grand gathering ng Gabay Guro dahil sa invited stars at malalaking raffle prizes na mapapanalunan ng mga guro.

Performers sa 12th anniversary ng Gabay Guro sa September 22 sina Piolo Pascual, Gabby Concepcion, Christian Bautista, Pops Fernandez, Regine Velasquez, Ian Veneracion, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Aegis, Jed Madela, Kuh Ledesma, Maymay Entrata, Martin Nievera, pati na ang BakClash at Broadway Boys ng Eat Bulaga.

Mga host ng programa sina Dimples Romana, Wally Bayola, at Jose Manalo.

Read Next
Read More Stories About
Gabay Guro, Chaye Cabal-Revilla
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabay Guro Chairperson Chaye Cabal-Revilla (right), nakunan ng litrato kasama si Pops Fernandez (left) na isa sa performers ng 12th anniversary ng Gabay Guro, na gaganapin sa September 22 sa Mall of Asia Arena.
PHOTO/S: @popsfernandezofficial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results