PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alden Richards, sobrang pinagkaguluhan ng mga tao sa Divisoria

The Gift director LA Madridejos, ikinuwento kung gaano kahirap mag-taping sa Divisoria.
by Jojo Gabinete
Published Sep 10, 2019
Ipinaliwanag ni Direk LA Madridejos (kaliwa) kung bakit itinigil na muna nila ang pag-shooting ng The Gift sa Divisoria. Si Alden Richards ang bida sa The Gift.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagkaroon ng problema ang production staff ng The Gift ng GMA-7 sa taping nila sa Divisoria dahil hindi makontrol ang dami ng mga tao na gustong makalapit kay Alden Richards.

Ito ang dahilan kaya nagtayo sila ng set sa Quezon City.

Si Lord Alvin "LA" Madridejos ang direktor ng The Gift, at siya ang nagkuwento tungkol sa mga hamon at pressure na naranasan ng mga artista at production staff sa taping ng upcoming drama series ng GMA-7 sa Divisoria.

"Ramdam na ramdam po namin yung effect ng pelikula ni Alden," pagtukoy ni Direk LA sa blockbuster film ni Alden with Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Goodbye.

"Nung unang punta namin sa Divisoria, pagbaba po ni Alden [mula sa sasakyan], hindi ako makapag-take, kasi yung mga tao, nakatutok.

"Ang lakas ng appeal ni Alden sa masa ngayon.

"Nag-attempt kami, three times, na mag-taping sa Divisoria.

"Meron kaming twenty na mga pulis para sa security, umalis na rin po sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakulitan na kasi yung mga tao, lumalaban.

"Kapag sinabi na ‘Huwag kayo diyan,’ ang sagot ng mga tao, 'Bakit, anong gagawin mo?'"

So, mas madali pa ang clearing operations ni Mayor Isko Moreno kesa magpaalis ng mga tao na nanonood ng taping?

"Oo, kasi wala naman silang obligasyon sa amin," Direk LA.

Naghanap ang direktor ng ibang location para malutas ang problema nila sa taping ng The Gift sa Divisoria.

"Meron kaming pinag-set-up-an sa Frisco area. Naghanap kami ng mga lumang establishment.

"May mga mapapanood na actual na kinunan sa Divisoria.

"Right now, nakatayo po yung set sa Cubao, sa Murphy."

Dagdag ni Direk LA, "Nagulat talaga ako sa Divisoria, lalo na po nang abutan ng ala-singko ng hapon ang taping namin.

"Nagpapalit pala ng mga tindera sa Divisoria. Parang may night shift at morning shift.

"Yung night shift, na-stall namin sila sa isang kalsada.

"Minumura nila kami. Sinasabi nila sa amin na, ‘Anong pakialam namin diyan? Kabuhayan namin ‘yan!' which is very understandable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, para mag-meet halfway na lang, may mga eksena na kinunan ko sa Divisoria 'tapos yung ibang maliliit, dinaya na lang.

"Ayaw ko sana nang ganoon kasi parang napakadaya, pero si Alden po kasi ang humatak ng mga tao.

"Sa tingin ko po, kung may mga eksena na wala si Alden, puwede kaming mag-shoot nang mapayapa.

"Although from time to time po, gusto ko sanang ilapit si Alden doon para ma-feel niya rin na ito ang kanyang effect.

"Ang security namin, meron kaming twenty na pulis, twenty na tanod, may security pa ang GMA," patuloy na kuwento ni LA.

Ang Maynila ang piniling maging location ng mga eksena ng The Gift dahil nataon ang taping nito sa mga pagbabago na nagaganap sa siyudad mula nang manungkulang mayor si Isko Moreno.

"Nagustuhan namin na ipakita yung change.

"Ngayon po, nakaplano kami na ganoon sa mga susunod na episode.

"Bawat lugar po na nililinis ni Mayor Isko, plano naming mag-shoot para makatulong din sa awareness na ito na yung Maynila ngayon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yun sana ang gusto namin na ma-achieve," saad ni Direk LA.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinaliwanag ni Direk LA Madridejos (kaliwa) kung bakit itinigil na muna nila ang pag-shooting ng The Gift sa Divisoria. Si Alden Richards ang bida sa The Gift.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results