Marco Gumabao, bagong apple of the eye ng Viva pagkatapos umalis ni James Reid?

by Jojo Gabinete
Sep 10, 2019
Si Marco Gumabao na nga ba ang "apple of the eye" ng Viva? Sagot niya, "If ever that’s the case, basta ako gagalingan ko na lang sa lahat ng projects na ibibigay sa akin."
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang pag-alis ni James Reid sa bakuran ng Viva ang isa sa mga itinanong kay Marco Gumabao nang humarap siya sa entertainment press ngayong hapon, September 10.

Humarap si Marco sa press dahil sa box-office success ng Just A Stranger, ang second movie team-up nila ni Anne Curtis.

Nang umalis si James sa Viva, may mga nagsabing si Marco na ang bagong "apple of the eye" ng home studio nila.

Pero naging mapagkumbaba si Marco sa kanyang sagot.

"Kaibigan ko si James, and it’s sad to see him leave because matagal na rin siya dito sa Viva.

"Pero we have to understand also na that’s life talaga.

"Minsan, may things that doesn’t work out.

"Ako, I wish him well, good luck sa career niya at sa singing career niya.

"Mami- miss namin si James dito sa Viva."

Patuloy ni Marco, "Yung sinasabi niyo na apple of the eye ng Viva, if ever that’s the case, basta ako gagalingan ko na lang sa lahat ng projects na ibibigay sa akin."

Continue reading below ↓

Hiningi rin ng Cabinet Files ang reaksiyon ni Marco tungkol sa hindi pagkakapili sa Just A Stranger bilang official entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Naging blessing in disguise ito dahil certified blockbuster ang pelikula nila ni Anne Curtis.

Sabi ng hunky actor, "For me, everything happens for a reason.

"So, if hindi kami natanggap sa PPP, maybe it was a blessing in disguise na baka mas maganda na separate playdate kami.

"Basta ako, thankful sa naabot ng movie namin now, and sayang of course na hindi kami nakasali sa PPP.

"Ang dami sanang opportunities, pero okey lang, kung ano yung will ni God.

"Happy naman kami..."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Marco Gumabao na nga ba ang "apple of the eye" ng Viva? Sagot niya, "If ever that’s the case, basta ako gagalingan ko na lang sa lahat ng projects na ibibigay sa akin."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results