Dalawa ang Tagalog comedy movies na magkasabay ang playdate sa mga sinehan sa September 25—ang Kiko En Lala ng Backyard Productions at ang Jowable ng Viva Films.
Coincidentally, launching movie ni Super Tekla ang Kiko En Lala at launching movie rin ni Kim Molina ang Jowable.
Sa exclusive interview ng Cabinet Files kay Super Tekla ngayong hapon, September 12, sinabi niyang hindi siya nababahala sa magkasabay na opening day sa mga sinehan ng Kiko En Lala at ng Jowable.
"Napanood ko yung trailer ng Jowable at kampante ako.
"Hindi nila crowd yung mga bata, not unlike Kiko En Lala.
"Nang mapanood ko ang trailer, 'Oh my God, ganoon na pala talaga ka-balaj [balahura] ang comedy movie, sobrang nakakalungkot.
"Gaya nga ng sinasabi ko, ang daming salita na puwedeng ilapat pagdating sa komedya.
"Manood ka ng old movies na mga comedy, old school, pero yung touch ng comedy, maganda.
"Ngayon, ang balaj!
"Noong mapanood ko yun, oh my God, kaya kampante ako sa Kiko En Lala.
"Malapit ang puso ko sa mga bata kaya nang tanggapin ko yung project, ayoko yung mga bakla na sobrang bastusin.
"Gusto ko yung baklang kiliti, kiti-kiti na karakter, yung mahuhumaling yung mga bagets.
"Kahit saan ako magpunta, tumatakbo yung mga bata, niyayakap ako.
"Yun ang gusto ko kaya itong movie ko, pampamilya siya," comparison ni Super Tekla sa mga launching movie nila ni Kim.
Isang malalim na buntung-hininga muna ang pinakawalan ni Super Tekla bago nito sinagot ang aming tanong tungkol sa pagkakaroon niya ng pelikula na siya ang bida.
"Hay, sobra, abot langit... Sabi ko nga nang ma-move nang ma-move ang showing dahil sa editing, hindi naman puwedeng ilabas ng pucho-pucho.
"I understand din na maraming iniwasan na makakatapat.
"Ilu-launch na dapat noon, pero may makakatapat na [big] foreign films, baka kung saan pulutin yung Kiko En Lala."
Binanggit din ni Super Tekla na nakararating sa kanya ang mga paninira at pangmamaliit ng ibang mga tao sa Kiko En Lala.
"Actually, bina-bash nga siya. Ina-under estimate, tine-turn down ng mga tao.
"Sabi nila, corny, baduy, kabaduyan...
"Yun ang impression ng bashers, pero sige lang.
"Ang pinanghahawakan ko, okey naman ang movie.
"Magugustuhan ng mga bagets, ng mga pamilya," sabi ni Super Tekla, na ramdam na ramdam ang pagmamahal ng Diyos dahil sa mga biyaya na natatanggap niya.