Ang beauty-queen maker at talent manager na si Jonas Gaffud ang creative consultant ng Miss Universe Singapore 2019.
Siya rin ang in-charge sa training kay Gazini Ganados, ang official candidate ng Pilipinas sa 68th edition ng Miss Universe na magaganap bago matapos ang taon.
Ang kaibahan ng Miss Universe Singapore sa Miss Universe Philippines ang isa sa mga sinagot ni Jonas nang makausap siya ng Cabinet Files.
“Nagulat ako na yung mga Singaporean candidate, kahit hindi pa sila trained, yung biglaan lang na iniupo mo diyan, hindi nila alam na may pageant questions, matatalino silang lahat. Natural na magaling sila.
“Mas aral tayo pero kailangan na i-instill sa kanila yung pagiging trained, kasi nga sobrang wala naman, so dapat ma-polish sila.
"Kung ma-polish sila nang maayos, matatalino talaga sila," sabi ni Jonas.
Hindi itinanggi ni Jonas na mabigat ang mga responsibilidad niya bilang creative consultant ng Miss Universe Singapore dahil limitado ang kaalaman niya tungkol sa nabanggit na bansa.
"Singapore is fashion. Talagang yun ang kanilang branding.
"Naturally, ang Singapore, they know how to care about giving, advocacies… natural na sa kanila yun.
"Pero mas natural din sa kanila ang fashion and beauty, fashion capital of Southeast Asia.
"Sila ang pinakamayamang bansa sa Southeast Asia so siguro mas pupunta kami sa branding.
"Itataas namin yung branding na mas modern, mas irerespeto yung Miss Universe Singapore, kasi ang alam ko, hindi masyadong kinakagat yung beauty pageants sa kanila.”
GAZINI GANADOS'S TRAINING
Next week, ang training ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados ang tututukan ni Jonas.
Ayon kay Jonas, maraming trabaho na haharapin si Gazini bilang paghahanda sa Miss Universe na hindi pa tiyak ang bansa na pagdadausan ng coronation.
“Mag-start kami ng training next week.
"Si Gazini, gumaganda, saka may charm siya. Ngayon, gumaganda na siya.
"May sarili siyang….malambing siya sa tao.
"Inaamin naman niya na kailangan niya talaga ng public speaking, Q& A.
"Ang maganda naman sa kanya, may laman at may sense ang lahat ng sinasabi niya, kailangan lang niyang maayos yung punto, not accent, yung punto na gusto niyang sabihin.
"Next week, may training din siya sa make up and all.
"Marami siyang trabaho, sa totoo lang."