Who’s who sa mundo ng Philippine politics at showbiz ang mga imbitado sa 50th wedding anniversary nina Senate President Tito Sotto at Helen Gamboa na magaganap sa Linggo, September 22, 2019 sa isang posh hotel sa Parañaque City.
Inaasahan ang pagdalo ni President Rodrigo Duterte sa golden wedding anniversary celebration ng Sotto couple.
Semi-formal na kasuotan pero walang kulay itim ang hiling ng mag-asawa sa kanilang invited guests.
Marami ang naaliw sa natanggap na imbitasyon para sa wedding anniversary party nina Tito at Helen dahil sa nakasulat na “Kayo ay lugod na inaanyayahan sa pagdiriwang ng ika-limampung taong pagtitiis ni Helen kay Tito at kahit maputi na ang buhok nyo ay inaasahan pa rin nila ang inyong pagdating sa isang hapunan.”
Ang pagsasama nina Tito at Helen ang isa sa mga itinuturing na pinakamatatag na relasyon at ideal marriage sa pulitika at showbiz dahil umabot ng 50 taon.