PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Patricia Javier, umurong sa Mrs. Universe 2019 pageant

Patricia Javier, mas piniling kinatawan ng Pilipinas sa 1st Noble Queen of the Universe.
by Jojo Gabinete
Published Sep 21, 2019
Ipinaliwanag ni Patricia Javier kung bakit umurong siya bilang kinatawan ng Pilipinas sa Mrs. Universe 2019 na gaganapin sa Guangzhou, China sa pagtatapos ng 2019. Sa halip, mas pinili niyang maging kandidata ng Pilipinas sa Noble Queen of the Universe 2019 na rito sa bansa gaganapin.
PHOTO/S: Patricia Javier Instagram

Si Patricia Javier ang official candidate ng Pilipinas sa 1st Noble Queen of the Universe na magaganap sa December 1, 2019 sa Manila Hotel.

Dalawampu’t siyam na kandidata mula sa iba’t ibang bansa ang makakalaban ni Patricia sa naturang international beauty pageant, kabilang ang USA representative na si Dra. Jill Chapman,

Si Dr. Chapman ay isang chiropractor na kaibigan ng asawa ni Patricia na si Dr. Rob Walcher at nagtatrabaho sa Tomas Morato, Quezon City branch ng kanilang wellness clinic.

Si Patricia ang reigning Mrs. Universe Finest Woman Philippines at siya dapat ang official representative ng ating bansa sa Mrs. Universe 2019 na gaganapin sa Guangzhou, China mula December 21, 2019 hanggang January 1, 2020.

Mabigat man sa kalooban, nagdesisyon si Patricia na huwag nang sumali sa Mrs. Universe 2019 dahil priority niya ang kanyang asawa at dalawang anak.

Kung itutuloy ni Patricia ang paglahok sa Mrs. Universe 2019, nangangahulugan itong hindi niya makakapiling sa Pasko at Bagong Taon ang kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makakansela rin ang kanilang matagal nang planong holiday season vacation sa San Diego, California.

Pinili ni Patricia na maging official delegate ng Pilipinas sa Noble Queen of the Universe (November 26, 2019 to December 1, 2019) dahil walang itong conflict sa Christmas vacation nila ng kanyang pamilya.

Ang former That’s Entertainment member na si Charo Laude, ang reigning Mrs. Asia, ang ipinalit kay Patricia at ipadadala ng organizer ng Mrs. Universe Finest Woman sa Mrs. Universe 2019 na idaraos sa China.

Pahayag ni Patricia tungkol sa nalalapit na pagsali niya sa Noble Queen of the Universe 2019, "Sabi nila, why are you joining this pageant? For me, because of our wellness advocacy.

"Naisip ko lang po na kung sasali ako sa mga ganitong pageant, mas maririnig po kami ng mas maraming tao.

"I’m also an environmentalist just like my idol Ms. Gina Lopez.

"Sobrang nalungkot ako dahil nawalan tayo ng isang ina na mapagmahal sa ating bayan, but with my own simple way, sana po yung iniwan niya sa atin na magtanim ng mga puno, ayusin ang kapaligiran natin, sana po magawa natin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"We can start that in our backyard.

"I would also like to empower women by letting my voice be heard and share my knowledge about different views in life through my experiences na hindi po porke nanay na tayo, wala na po tayong puwedeng gawin para hindi mawala ang ating identity bilang isang babae."

Kung pinasikat ni Catriona Gray ang kanyang signature Lava Walk sa Miss Universe 2018, ang Chiro Walk naman na natutunan ni Patricia mula sa kanyang chiropractor husband ang ipamamalas niya sa Noble Queen of the Universe 2019.

"The chiro walk is… kapag sinabi mo na chiro, ina-align ang body mo at kailangan na may S curve ang ating neck.

"So when we are walking, kailangan talagang may curve ang likod," paliwanag ni Patricia tungkol sa Chiro Walk.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinaliwanag ni Patricia Javier kung bakit umurong siya bilang kinatawan ng Pilipinas sa Mrs. Universe 2019 na gaganapin sa Guangzhou, China sa pagtatapos ng 2019. Sa halip, mas pinili niyang maging kandidata ng Pilipinas sa Noble Queen of the Universe 2019 na rito sa bansa gaganapin.
PHOTO/S: Patricia Javier Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results