Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Kim Molina, pang-best actress ang acting sa #Jowable

by Jojo Gabinete
Sep 22, 2019
Maraming manonood ng Jowable ang sinabing "niloko" sila ng trailer ng pelikula, kung saan bida si Kim Molina. Bakit kaya nila nasabi ito?
PHOTO/S: Jocelyn Dimaculangan

"Niloko” sila ng trailer ng Jowable ang nagkakaisang reaksiyon ng mga nanood kahapon, September 21, sa free screening sa Cine Adarna ng University of the Philippines, Diliman Quezon City, ng launching movie ni Kim Molina.

Ayon sa mga nakapanood ng Jowable, niloko ang kanilang pakiramdam dahil hindi nila inaasahang paiiyakin sila ng pelikula na pinararatangang balahura ang trailer dahil sa mga shocking dialogue ni Elsa, ang karakter na ginampanan ni Kim.

Sinabi ng karamihan sa mga nagpunta sa Cine Adarna na curiosity ang dahilan kaya pinanood nila ang Jowable.

Out of curiosity, gusto nilang malaman kung bakit nakapasa sa MTRCB ang trailer ng Jowable, at nabigyan ito ng R13 classification.

Nasagot ang pagtataka ng curious moviegoers nang mapanood nila ang kabuuan ng pelikula na nagpaluha sa kanila, lalo na ang “looking for love” scenes.

Malaki ang posibilidad na magkaroon ng acting nominations sa susunod na taon sina Kim at Kakai Bautista dahil sa mga performance nila sa Jowable ang verdict ng Cine Adarna audience.

Continue reading below ↓

Nagulat daw sila sa akting na ipinakita ni Kakai at sa pagganap ni Kim na ikinumpara nila kina Ai-Ai delas Alas, Eugene Domingo, Jaclyn Jose, at Judy Ann Santos ang talent sa pagganap.

Tiniyak ng mga nanood ng Jowable na palalambutin nito ang matitigas na kalooban ng mga taong may malakas na personalidad.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Malakas din umano ang tama sa puso ng pelikula na kapupulutan ng maraming aral sa kabila ng pagkakaroon ng trailer na shocking para sa mga conservative at moralista.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maraming manonood ng Jowable ang sinabing "niloko" sila ng trailer ng pelikula, kung saan bida si Kim Molina. Bakit kaya nila nasabi ito?
PHOTO/S: Jocelyn Dimaculangan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results