Aktor, nilalayuan ng mga kaibigan dahil sa masamang bisyo

by Jojo Gabinete
Sep 22, 2019
Guess who this actor is who has been noted for his sacrilegious quirk involving illegal drugs?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Estranged na ang relasyon ng mga showbiz personality na higit pa sa magkapatid ang relasyon bilang magkaibigan.

Si Showbiz Personality A (SPA) ang lumayo kay Showbiz Personality B (SPB) dahil sa erratic behavior nito na epekto ng paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

Minabuti ni SPA na layuan at putulin ang friendship nila ni SPB dahil nagiging mabigat na itong kasama.

Hindi nawawalan si SPB ng mga problema na siya ang may kagagawan pero ang mga tao sa kanyang paligid ang sinisisi niya.

Ayaw rin ni SPA na kunsintihin ang masamang bisyo ni SPB na lulong sa paggamit ng illegal drugs.

Higit sa lahat, hindi matanggap ni SPA ang sa palagay niya ay sacrilege practice ni SPB, ang pagtatago o pagsisingit nito ng illegal drugs sa pahina ng Holy Bible para walang makita na ebidensya ang kanyang pamilya tungkol sa pangit na bisyo niya.

Marami ang nanghihinayang kay SPB na hindi na nagkakaroon ng mga project dahil kalat na kalat na sa industriya ang kanyang unpredictable behavior, unprofessionalism at ang paglayo ng mga kaibigang hindi na masikmura ang pang-aabuso niya sa sarili.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Guess who this actor is who has been noted for his sacrilegious quirk involving illegal drugs?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results