Sina Angeline Quinto, Erik Santos, Empoy, Kyle Echarri, Super Tekla at ang G Force ang mga celebrity na lumahok sa Celebrity Lechon Boodle Fiesta na ginanap kahapon, September 21, sa Veterans Village basketball court sa Project 7, Quezon City.
Ito ay project ng Progressive Laboratories, KPP Powers Commodities Inc. at ni Qualibet CEO Pinky Tobiano at ng anak nitong si Pianne Sinfuego, sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture, Hog Industry of the Philippines at Propork.
Sama-sama at sabay-sabay na kumain ng litson, longganisa, tocino, pork adobo, hamonado at iba pang pork dishes ang mga invited celebrity para ipakita sa lahat na ligtas na kumain ng karne ng baboy.
Ang Celebrity Lechon Boodle Fiesta ang suporta ni Tobiano sa Filipino Pork Farmers na naapektuhan ang negosyo ng takot ng publiko na bumili ng pork meat dahil sa African Swine Fever.
Sa tulong ng mga artista na sumali sa “pork meat boodle fight,” ipinarating ni Tobiano sa publiko na malinis at pumasa sa quality inspection ang mga karne ng baboy na nabibili sa mga palengke at supermarket.
“The karneng baboy being sold in the wet market or grocery is safe to eat. African Swine Fever cannot be passed on to humans and has no harmful effect to human.
“In case a person might have eaten meat that may have African Swine fever, there is no danger nor threat to the safety and health of the person. This should be known to all and there should be no panic in eating, patronizing Pinoy pork and eating our favorite Pinoy Pork dishes.
“For the past two weeks, there were reported cases of African Swine Fever or ASF in the Philippines. However, Filipino consumers should not be afraid of buying and eating pork meat since all the pork products being sold in the market have passed quality inspection under National Meat Inspection Service. Pig farmers are being advised to feed their pigs with feeds that can be purchased in local poultry supplies and to stop feeding their pigs with kaning baboy or swill feeds,” ang pahayag at paliwanag ni Tobiano tungkol sa dreaded African Swine Fever.