Ang Cara X Jagger ng APT Entertainment, Inc. ang unang mainstream movie nina Jasmine Curtis-Smith at Ruru Madrid na sila ang mga bida.
Alam ni Jasmine na matagal nang may crush sa kanya si Ruru dahil ito mismo ang umamin sa harap niya at nagpapasalamat siya sa paghanga ng 21-year-old actor.
"Thank you for the admiration, but more than that, natutuwa ako na ka-work si Ruru kasi kung gaano ako ka-invested sa pagganap bilang Cara, siya rin bilang Jagger, gusto niyang mapantayan yun.
“And nakikita ko kung paano siya makipag-usap kay Direk Ice [Idanan], kung paano bawat take ng eksena namin, gusto niya ma-perfect.
"May mga ibang eksena na hanggang ngayon, gusto pa rin niya ulitin, kasi hindi pa rin siya happy.
“Sa mga ganoong bagay, nakikita ko yung dedication niya and it makes me feel happy na ganoon yung nakakatrabaho ko na artista.
"Pare-pareho kaming may one hundred percent investment dito, so it’s nice at hindi siya parang dagdag lang sa mga nagawa kong trabaho.
"It’s one of those things na pinaniniwalaan namin na pareho na, sana, magustuhan din ng lahat ng tao.
“Okey siya, dedicated siya at saka may good vibes siyang presence lagi sa set.
"Mahilig siyang makipagkulitan and mahilig siyang magpabango.
"Bago siya lumabas ng tent, laging nagpapabango," dire-diretsong sabi ni Jasmine tungkol sa leading man niya sa Cara X Jagger.
Ano ang reaksyon mo nang sabihin ni Ruru na crush ka niya?
“Wala! E, di okey, thank you. Parang ganoon lang.
"Siyempre, I’m very much happy with where I am in my life and my relationship, and so when it comes to him, it’s really just the friendship and masaya siyang friendship kasi nababara ko siya.
“He’s younger than me, he’s 21, I’m 25. Four years lang naman ang agwat namin.
"Pero with that, at least, yung fundamental ng friendship namin, maayos saka masaya. Good vibes lang palagi.”
Kinikilig ba siya kay Ruru?
Sagot ni Jasmine, “Sa characters namin, oo. Siyempre, kailangan, in character ka kapag nasa set ka.”
Pero sabi niya nang itanong sa kanya ang naramdaman nang makita niyang hubad o topless si Ruru sa kanilang eksena, “My God, ‘no, ang dami ko nang nakita na mga abs!
"Hindi na ako ginaganahan sa mga abs, wala na sa akin ‘yan."
THIRD-PARTY characters
Sa mga nakaraang pelikula ni Jasmine, madalas na third party ang mga karakter na ginampanan niya, pero naiiba raw ang kanyang mga role dahil hindi siya ang traydor o kabit.
Binanggit ni Jasmine na madalas may dahilan ang pagiging third party niya sa mga pelikula.
“Baka naman mag-stay sa utak ng mga tao yung stereotype na kapag third party sa story, pati sa totoong buhay.
"Ayoko naman, naku, napagdaanan na natin ‘yan, nalampasan na natin, so huwag na nating balikan, di ba?” ang tila may pinatatamaang sabi ni Jasmine.
“I am just saying, like, we’re talking about the past and memories and experiences, di ba?
"Learning yun, so pag may learning, you take it, you remember it, you learn from it."
Nang sabihin ng mga nagtatakang entertainment press na paki-refresh sila ni Jasmine tungkol sa mga pahayag nito, sinabi ng aktres na may Google na sa panahon ngayon at nagbirong hindi magaling ang journalist na clueless sa third-party statement niya.