Ngayong Biyernes, September 27, ang taping ng Wowowin sa newly-renovated studio nito sa GMA Network building.
Kahapon, September 26, nagdaos ng banal na misa sa studio ng Wowowin na binasbasan din ng officiating priest na si Fr. Allan Samonte.
Tumagal ng isang buwan ang renovation sa Studio 6 ng Wowowin dahil pinaganda ito nang husto ni Willie Revillame.
May mga report na lumabas noon na aabot sa P30 million ang budget sa renovation ng Wowowin studio, pero may nagsabi sa Cabinet Files na P65 million ang ginastos ni Willie dahil sa mga bagong robotic cameras at LED walls and floors.
Mapapanood sa September 30 ang bagong bihis na set ng Wowowin na ipinaayos ni Willie para sa kapakanan ng studio audience at televiewers ng top-rating game show niya sa GMA-7.
Sa recent TV appearance ni Willie, nagpahiwatig itong bukod sa state-of-the-art studio ng Wowowin, dapat abangan ang pagbabalik ng mga dating co-host niya kaya kanya-kanya ng hula ang publiko tungkol sa mga sorpresa na mapapanood sa September 30.
Ayon kay Willie, isang libo ang bilang ng mga guest na puwedeng pumasok sa Wowowin studio na pinakamahal sa buong Pilipinas.
"Ito po ang studio na talagang pinag-aralan, pinag-isipan ng lahat ng GMA Engineering,” sabi ni Willie.
Hindi lamang ang studio ng Wowowin ang ipinaayos ni Willie dahil bago rin ang mga comfort room para sa audience.
“Because Wowowin cares. Wowowin gives hope.
"Magmula ngayon, we will care for you, we will give hope to all the Filipinos around the world.
"Magbibigay kami ng kasiyahan at ang pinaka-importante, pagmamahal sa bawat Pilipino sa buong mundo," pahayag ni Willie.
Kapansin-pansin ding nabawasan ang timbang ni Willie at well-rested ang hitsura niya dahil isang buwan ding hindi siya nag-taping para sa kanyang programa.
Nagkaroon si Willie ng panahon para makapagpahinga, kahit tinutukan niya ang renovation sa Wowowin studio.