Bagong Regal Babies, SM Little Star 2019 winners

by Jojo Gabinete
Sep 28, 2019
From left: Steve Tan, Mother Lily Monteverde,Danaielle Haley Magtoto, Nyle Quinzel Tapdazan, and Roselle Monteverde-Teo.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang SM Little Stars 2019 grand winners na sina Danaielle Haley Magtoto at Nyle Quinzel Tapdazan ang pinakabago at youngest babies ng Regal Entertainment Inc.

Kasama ang kanilang mga magulang, pumirma ng exclusive contract sa movie company nina Mother Lily at Roselle Monteverde-Teo sina Danaielle at Nyle. Naganap ang contract signing sa Valencia Events Place nitong Biyernes nang hapon, September 27, at sinaksihan ito ni Steven Tan, ang COO ng SM Supermalls.

“Today, we have the winners because part of the prizes for the SM Little Stars is management contract from Regal Entertainment Inc.

“Of course, we welcome talented, kahit na mga bata pa sila and lahat ng nakita ko sa SM Little Stars, magagaling talaga. I’m looking forward to working with these kids next year,” ang welcome speech ni Regal Entertainment Inc. Vice-President Roselle Monteverde bago nangyari ang pirmahan ng kontrata.

Bilib na bilib si Mother Lily dahil pagpapakitang-gilas nina Danaielle at Nyle sa murang edad.

Continue reading below ↓

Ang tumugtog ng piano ang talent na ipinamalas ni Nyle samantalang singing, acting at modeling ang mga talent na ipinagmalaki ni Danaielle na idol ang aktres na si Liza Soberano.

Parehong walong taon sina Danaielle at Nyle na kapwa masaya dahil natupad na ang pangarap nila na maging contract stars ng Regal Entertainment Inc. na unang hakbang para maging artista sila.

Kabilang na ngayon sina Danaielle at Nyle sa mga child star na ibi-build up ng film company nina Mother Lily at Roselle na nagbigay ng malaking break noon sa former child actors na sina Aiza Seguerra at Matet de Leon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From left: Steve Tan, Mother Lily Monteverde,Danaielle Haley Magtoto, Nyle Quinzel Tapdazan, and Roselle Monteverde-Teo.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results