Kim Molina, overwhelmed sa box-office success ng Jowable

by Jojo Gabinete
Sep 28, 2019
Kim Molina thanks her fans and Viva Films family for the box-office success of her launching flick, Jowable.
PHOTO/S: Noel Orsal

Certified blockbuster ang #Jowable, ang launching movie ni Kim Molina, kaya dinagdagan ang mga sinehan na pinagtatanghalan nito.

Hindi makapaniwala si Kim sa magandang kapalaran sa box office ng pelikula kaya natutulala na lamang siya.

“Overwhelmed” ang sagot ni Kim tungkol sa mainit na pagtanggap ng publiko sa Jowable na dahilan para magplano ng victory party ang Viva Films, ang producer ng pelikula niya.

“Sobrang saya na sa daldal kong ito natatahimik na lang po ako. Sobrang thankful ko po kay God sa lahat ng blessings na binibigay niya.

“All I wanted was to give justice to the role and hopefully ma-appreciate ng tao,” ang sabi ni Kim na lubos ang pasasalamat sa home studio niya na sumugal sa kanya.

“And of course, I’m always grateful to my Viva family for trusting me with this wonderful blessing.

“Kung mayayakap ko lang din ang buong JOWABLE Nation, gagawin ko. Wagas na pasasalamat mula sa kaibuturan ng aking Jowable heart.”

Continue reading below ↓

Umuwi sa Pilipinas mula sa Middle East ang mga magulang ni Kim para suportahan ang launching movie ng anak nila.

Dumalo ang mga magulang at kapatid ni Kim sa white-carpet premiere ng #Jowable sa SM Megamall Cinema 1 noong September 23, 2019 kaya masayang-masaya ang lead star ng #Jowable.

“Tuwang tuwa sina mom and dad. Hindi raw nila nakita si Kim kundi si Elsa [Kim’s character in Jowable] kaya kahit sa bed scene namin ni Je [Jerald Napoles, Kim’s real-life boyfriend], hagalpak ng tawa ang tatay ko.

“Napaiyak din sila sa monologues ko. My brother even had to hide his tears dahil magtutuksuhan na naiyak siya,” kuwento pa ni Kim tungkol sa reaksyon ng pamilya niya habang pinapanood ang #Jowable.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Molina thanks her fans and Viva Films family for the box-office success of her launching flick, Jowable.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results