Judy Ann Santos, ni-recall kung bakit "mukha nang balyena" nung Mara Clara days

by Jojo Gabinete
Sep 29, 2019
Ayon kay Judy Ann Santos, masuwerte raw ang child stars ngayon, kesa noong panahon niya as a child star.
PHOTO/S: Noel Orsal

Sina Jana Agoncillo at Enzo Pelojero ang lead child actors sa Starla, ang comeback project ni Judy Ann Santos bilang Queen of Teleserye ng ABS-CBN.

Tailor-made para kay Enzo ang role nito sa Starla dahil siya talaga ang nasa isip ng writer ng programa nang isulat nito ang kuwento ng primetime inspirational drama series na mapapanood simula sa October 7, 2019.

Continue reading below ↓

Unang napansin ang acting ability ni Enzo nang gampanan niya ang role ni Bingo sa My Dear Heart, ang primetime drama series ng Kapamilya Network na ipinalabas noong January 2017 hanggang June 2017.

Ang Ningning naman ang biggest television break ni Jana dahil ito ang bida sa drama series ng ABS-CBN na napanood mula July 2015 hanggang January 2016.

Continue reading below ↓

Gaya nina Enzo at Jana, nag-umpisa ang acting career ni Judy Ann bilang child actress pero malaking-malaki ang pagkakaiba ng working condition niya noon.

Sinabi ni Judy Ann na masuwerte ang mga child star ngayon dahil sa batas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay apat na oras lamang sila puwedeng magtrabaho, kaya may cut- off time ang mga taping nila.

“Noong panahon namin, kami yung huling laging kinukunan. Twenty four-hours kami na nagte-taping bago kami darating sa set, kami ang huling kukunan. ‘Pag gising namin, paiiyakin kami kaagad.

“Walang four hours noong araw but you know, nagbabago ang panahon. We understand that there’s a rule that we have to follow kaya nga, ang suwerte ng mga bata ngayon kasi meron nang golden rule na kailangang sundin so they can actually focus on their studies.

“Hindi masa-stunt yung growth nila kasi kapag child actor ka, automatic, sasabihin nila, ‘Ay hindi ka na tatangkad kasi bata ka pa lang, babad ka na sa ilaw, ‘tapos puyat ka.’

Continue reading below ↓

“Puro mga softdrinks, junk foods kasi ganoon ako noong bata ako, noong nag-aartista ako kaya nga pagdating ng Mara Clara, para na akong balyena, di ba?” ang pagbabalik-alaala ni Judy Ann tungkol sa mga karanasan niya noon bilang child star.

Pinupuri ni Judy Ann ang professionalism ng young co-stars niya sa Starla dahil bukod sa hindi nagrereklamo, magagaling sila na artista.

“Nakakatuwa kasi itong mga batang katrabaho namin they know they have a four-hour working schedule and they really work.

“Wala kang reklamo na maririnig, they wanted to stay longer na gusto ko rin naman sana pero siyempre, may kailangan tayong sundin na protocols and rules and regulations of DOLE.

“They’re easy to work with, they’re such good actors. Malayo ang mararating ng mga batang ito,” ang pahayag ni Judy Ann.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Judy Ann Santos, masuwerte raw ang child stars ngayon, kesa noong panahon niya as a child star.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results