Ang John Denver Trending ang Best Picture sa full-length category, ang Edward ang tumanggap ng Special Jury Prize for Full-Length at si Jansen Magpusao ang Best Actor para pagganap niya sa John Denver Trending sa Cinemalaya Independent Film Festival 2019 na naganap noong August 2019.
Ang Edward ang pinakamahigpit na kalaban ng John Denver Trending sa nabanggit na film festival at si Louise Abuel bilang Edward ang pinakamalakas na katunggali ni Jansen para sa Best Actor category.
Kung walang John Denver Trending, malaki ang tsansa na ang coming-of-age movie ng direktor na si Thop Nazareno ang big winner sa Cinemalaya 2019.
Magkakaroon ng pagkakataon ang publiko na mapanood ang Edward dahil ipalalabas ito sa commercial theaters simula sa October 2, 2019.
Hindi pa tiyak kung kailan ang theatrical release ng John Denver Trending pero noong September 22, 2019, naglabas ng pahayag ang direktor na si Arden Rod Condez tungkol sa alarming news na ikinakalat umano ng isang alkalde ng Antique tungkol sa pelikula niya. Nabanggit din ni Condez ang dahilan kaya hindi pa magkakaroon ng commercial run sa mga sinehan ang kanyang critically-acclaimed movie.
Ayon kay Condez, ang John Denver Trending ang sinisisi ng mayor sa nakababahala na pagtaas ng bilang ng mga nagpapakamatay sa Antique kaya naglabas siya ng reaksyon.
CONDEZ’S STATEMENT. Sabi ko nga, our film is based on facts. A teacher surrendering a student to the police. A social worker leaving a child on his own inside a police station. A mayor jumping to conclusions.
Today, a mayor of a town in Antique is blaming our film for the "increase of suicide in Antique". I'm just baffled. This mayor was there during the screening sponsored by the congresswoman. We had a lengthy talkback after the screening. Di n’ya na-gets ang pelikula?
Okay, valid naman ang concern ni mayor. Pero ang tanong ko, totoo kayang may increase ng suicide sa Antique because of our film? Saan kaya nanggagaling tong isyung to?
JOHN DENVER SYNDROME. Days ago, a teacher from Tibiao posted that 3 STUDENTS in another town killed themselves after watching our film. Yes, teacher ang nagsimula nito. (That's why I celebrate everytime I meet teachers who do not chismis.)
He branded it the JOHN DENVER TRENDING EFFECT. I was so alarmed. Pero ang ginawa namin, na dapat ginagawa muna ng marami bago mag-post sa Facebook, ay ang tawagan ang prinsipal ng school at tawagan ang police station.
At doon nga nalaman sa police station based mismo sa blotter na yes, may isang nagpakamatay na estudyante.
Pero nung gabing ‘yon DIUMANO naki-pagbreak ang girlfriend n’ya sa kanya, umuwi s’yang lasing at tinapos ang buhay n’ya. (My apologies to the people involved for bringing this up but please know that this post is not created to hurt you. Nakikiramay po kami.)
Sa parehong araw, may nagpakamatay na 35 y.o. na tatay mula sa isang malayong barangay. Malamang sa malamang di nakapanuod ng film. At ang huli, namatay sa car accident. Car accident.
To be fair, the teacher already deleted his post pero ‘yun nga, di na naapula ang sunog.
BENEFIT OF THE DOUBT. Patuloy na kumalat ang isyu na 3 STUDENTS died because of the film. I then saw a comment saying na naging apat na raw as of that day. Then meron nagsabi na ‘yung 3 daw sabay na nagpakamatay pero naka-survive ang isa pero mag- a-attempt pa raw uli. Tapos ang tita ko, nakatanggap ng tanong mula sa kakilala asking kung totoong may limang nagpakamatay because of the film.
Akalain mo, in 3 days, naging lima ang namatay. LIMA.Pinalagpas ko ang isyung to pero kung mayor na ng isang bayan ang magpapaniwala sa chismis, ibang usapan na ‘yan.
But I will give him the benefit of the doubt. I expect evidence that can prove this claim. Dahil pag wala, I think it is safe to say that what is more dangerous than a film warning you about the effects of false accusations on social media is a person posting false accusations on social media.Tungkol po sa inyo ang pelikula, ginoo.
TALKBACKS. Now, let me remind everyone. We are RATED PG by the MTRCB. Ibig sabihin, makakapanuod ang mga bata below 13 hangga’t may kasamang adult.
MTRCB allowed us to screen the film without requiring us to do talkbacks and debriefing. Kung may isyu kayo sa pelikula, the more logical thing to do is to contact MTRCB and not post on Facebook. Di ba, mayor? Sino kayang nag-o-opisina sa Facebook?
And btw, we always do talkbacks. That's why personally I prefer screening in smaller venues than having a commercial theater release para makontrol namin ang sched at tao at makapagbigay kami ng talkbacks.
Our MOA with schools require them to hold talkbacks right after. Yun nga lang, minsan, sa kakulangan ng mga psychologists and guidance counselors sa probinsya, mga guro mismo nila ang gumagawa nito.
But I dream of the day that we'll have more psychologists and we can openly discuss mental health issues. DAHIL KAILANGAN.
At para hindi na rin masisi sa paglala ng mental health issues sa Pilipinas ang mga pelikulang gustong buksan ang usapan ng paglala ng mental health issues sa Pilipinas. Yes, ganyan kalabo.I will then end this very long post with 2 questions:
- We are ranked number 1 at the box office during Cinemalaya. Sa libo-libo kayang nanuod bakit ni isa wala namang nanisi sa amin tungkol sa pagkamatay ng kapitbahay nila?
- At bakit ang madalas nagpapalaganap ng isyu na to ay concentrated sa southern part of Antique? Hindi ‘yan fake news.