PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Molina, may dalawa nang kasunod na pelikula pagkatapos ng #Jowable

Kim Molina, "nalulula" sa bansag na Box Office Queen.
by Jojo Gabinete
Published Oct 1, 2019
Kim Molina on being tagged as the new Box Office Queen: “Nandiyan, pero at the same time, nakakalula po kasi. Ako naman po, gusto ko lang magtrabaho nang magtrabaho. Pauwiin ang magulang ko dahil OFW, nahihirapan. Yun lang talaga, legit."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nanlaki ang mga mata ni Kim Molina dahil nabigla ito sa good news na dalawang pelikula ang gagawin niya sa Viva Films at parehong siya ang bida.

Nalaman ni Kim ang magandang balita sa victory party para sa box-office success ng #Jowable na ginanap sa Wing Zone restaurant, SM Megamall, kagabi, September 30.

Tililing at Ang Babaeng Walang Pakiramdam ang working titles ng mga upcoming movie project ni Kim sa kanyang home studio.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Kim mula nang magbukas sa mga sinehan noong September 25 ang #Jowable.

Bukod sa kaba, natutuwa siya dahil naririto sa Pilipinas ang kanyang mga magulang na Saudi Arabia-based para suportahan ang launching movie niya.

“I’m very happy dahil yung daddy ko, umuwi last week from Saudi just to be here for the premiere night.

"'Tapos noong Sunday naman, closing ng Rak of Aegis, first time niyang mapanood.

"Sobrang saya ko po kasi ang tatay ko talaga ang nagturo sa akin na maging singer at lahat. Masaya po ako…" ani Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahiya naman si Kim nang marinig nito ang komentong Box Office Queen na siya.

“Nandiyan, pero at the same time, nakakalula po kasi.

"Ako naman po, gusto ko lang magtrabaho nang magtrabaho.

"Pauwiin ang magulang ko dahil OFW, nahihirapan. Yun lang talaga, legit.

"Marami ang magsasabi na hindi totoo, pero yun talaga," reaksiyon ni Kim.

Sumusumpa si Kim na nakabaon at hindi lamang basta nakatapak sa lupa ang kanyang mga paa.

Ikinuwento ni Kim na napaiyak siya nang malaman niyang pinipilahan sa box office ang #Jowable.

Nangyari ito nang maningil siya ng kanyang talent fee sa ABS-CBN sa unang araw ng pelikula niya sa mga sinehan.

"Nung first day, galing po ako sa ABS-CBN, kumuha po ako ng suweldo ko.

"'Tapos naglakad po ako papunta sa bangko saka po ako tinawagan ni Boss Vincent," pagtukoy niya sa Viva Films producer na si Vincent del Rosario.

“Naiyak po ako habang naglalakad sa Morato.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nagulat talaga ako, hindi ko inasahan."

Kasama ni Kim na dumating sa #Jowable victory party ang kanyang boyfriend na si Jerald Napoles, na pinakamasaya sa tagumpay ng pelikula niya.

Ayon kay Kim, “He’s very happy.

"Kung meron man po sa aming dalawa na sobra-sobrang masaya, si Je.

"Actually, nung nakuha pa lang niya yung script, naramdaman na niya.

“Ako naman, sabi ko, 'Bias ka ba kasi boyfriend kita, e.'

"But then, he’s very supportive. He’s very proud.

"Kinikilig naman po ako."

Sa tingin mo, lalo kang minahal ni Jerald?

“Ay, opo! Sa tingin ko po!” kinikilig at natawang sagot ni Kim.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Molina on being tagged as the new Box Office Queen: “Nandiyan, pero at the same time, nakakalula po kasi. Ako naman po, gusto ko lang magtrabaho nang magtrabaho. Pauwiin ang magulang ko dahil OFW, nahihirapan. Yun lang talaga, legit."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results