MMDA Asec. Celine Pialago, binuweltahan ang mga nagsagawa ng nationwide transport strike

by Jojo Gabinete
Oct 2, 2019
MMDA Assistant Secretary Celine Pialago on organizers of nationwide transport strike: “Once and for all, sasabihin ko ito sa inyo, kahit na mag- strike pa kayo ulit at nang paulit-ulit, hindi magbabago ang plano ng gobyerno para sa PUV modernization. Kapakanan ba talaga ng commuters iniisip niyo o pansariling interest?"
PHOTO/S: Celine Pialago Instagram

Si Metro Manila Development Authority (MMDA) assistant secretary at spokesperson Celine Pialago ang sentro ng mga batikos dahil sa nationwide transport strike na nangyari noong Lunes, September 30, 2019.

Kabilang ang aktor na si Enchong Dee sa mga naglabas ng opinyon na clueless si Pialago sa kalagayan ng Metro Manila traffic.

“Mamayang Pilipino na naman mag-aadjust? Why not provide for the jeepney driver’s modernization... if the gov't finds it expensive, how much more the jeepney drivers?" reaksyon ni Enchong sa sinabi ni Pialago tungkol sa PUV modernization.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero walang plano ang MMDA officer na sagutin o patulan ang pahayag ng aktor.

Aniya, “I don’t want to comment to Enchong Dee’s statement. My focus is to make the people understand that PUV modernization is long overdue.”

"SHE PASSED AWAY" BLOOPER

Naging personal naman ang mga banat laban kay Pialago dahil binuhay ng detractors niya ang isyu tungkol sa kanyang “she passed away” blooper nang sumali siya sa Miss Earth Philippines noong 2014.

Ang social media ang ginagamit ng detractors ni Pialago para ipaalaala sa lahat ang hindi sinasadyang pagkakamali niya.

Naging hot trending topic noon ang sagot ni Pialago sa isang interview nang tanungin siya tungkol sa dahilan ng pagkahimatay ng kanyang roommate.

Sagot niya, “She passed away because she’s hungry. I kept on inviting her to eat breakfast but she really doesn’t want to eat kasi we’re under weight watch.”

May sagot si Pialago tungkol sa “she passed away” statement na pilit na ibinabalik umano ng detractors niya para ilihis ang isyu.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad niya, “That gaffe was five years ago and everyone has moved on.

"My track record as a public servant and as the spokesperson of MMDA speaks for itself.

"Five years ago, I tried to explore the world of entertainment media by doing acting and modeling jobs, hosting, and eventually joining a beauty pageant.

"Shifting from news and public affairs to showbiz was difficult for me.

“Now that I am working as a government official, some people with shallow minds are still bringing this up and using it to discourage me. Sorry, but this is not working.

“I have moved on from this issue and will not let this affect me or my dedication to my job as a public servant.

"You can use this mistake over and over against me, but I will not let this issue define me.

“My credibility rests on my good performance as a public servant and not the bullying tactics of a small group of government detractors or those people calling me names."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PIALAGO ON NATIONWIDE TRANSPORT STRIKE

Lumitaw ang pagiging palaban ni Pialago sa mensaheng nais niyang iparating sa iba’t ibang grupo na nagsagawa ng nationwide strike noong Lunes dahil tinututulan nila ang matagal nang plano ng pamahalaan na modernization ng public utility vehicles.

Buwelta niya: “I was there during that transport strike, MMDA officials/enforcers were not just staying in the office.

“I was in Philcoa, Monumento, and Quezon Memorial Circle whole day, under the sun waiting for our libreng sakays while coordinating in Metrobase, that’s why I know what I am saying.

"And you anti-gov't people, stop blowing this topic out of proportion on your social media pages because you don't know anything else but try to hog attention through noisy protests.

“When you conduct a transport strike, your intention is clearly to paralyze the commuting public, kaya nga strike, e.

“Your goal is to make yourselves look important by making people suffer by not serving for one day, you want to threaten the government, at higit sa lahat mamerwisyo para mapansin kayo, para marinig kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ninyo na iparamdam na kapag kayo ay nagtigil pasada, libo-libong mga pasahero ang mahihirapan. Tama?

“Ang tanong ko, tama ba na pahirapan niyo ang mga commuters na dapat, e, pinagseserbisyuhan ninyo?

“Ano ang gusto n’yo na gawin ng gobyerno? Titigan at pabayaan kayo sa mga aktibidades ninyo? Para ano?

“Para kapag marami ang naabala, magagalit ang commuters sa gobyerno at gagamitin ninyo ang galit nila para mapansin kayo ng gobyerno, o para sumang-ayon sa inyong 'terms and conditions'?

“Hindi naman ‘yan hahayaan ng gobyerno kaya pinaghandaan namin kayo kaya may libreng sakay, may suspension of classes para sa kapakanan ng mga kababayan natin.

“The mere fact na nag-suspend ng trabaho at klase ay successful na kayo, but please be reminded na one day of suspension won’t hurt, mas okay na mag- suspend ng one day, kesa naman maibigay namin sa inyo ang satisfaction na mas marami kayo na naperwisyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam kasi namin ang ibig sabihin ng successful transport strike sa inyo, para magamit ninyo ang galit ng mga commuters laban sa PUV modernization.

"Gusto niyo na maging kakampi sila. Gusto niyo na i-brainwash sila na kung hindi dahil sa PUV modernization, wala sana kayong transport strike.

“Hino-hostage ninyo ang mga pasahero. Alam ninyo na mahihirapan na sila sa araw-araw at gusto nino pa ito na dagdagan.

“Once and for all, sasabihin ko ito sa inyo, kahit na mag- strike pa kayo ulit at nang paulit-ulit, hindi magbabago ang plano ng gobyerno para sa PUV modernization.

"Kapakanan ba talaga ng commuters iniisip niyo o pansariling interest?

“Kung serbisyo ang inyong tunay na hangarin, hindi ba’t mas gugustuhin ninyo na mas komportable at safe ang sinasakyan ng commuters? ‘Yan na lang ang iiwan kong tanong sa inyo.”

Postscript: May master’s degree sa Ateneo de Manila University si Pialago at noong May 31, 2019 ang graduation day niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natapos ni Pialago ang kanyang pag-aaral sa kabila ng mga responsibilidad niya bilang assistant secretary at spokesperson ng Metro Manila Development Authority.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMDA Assistant Secretary Celine Pialago on organizers of nationwide transport strike: “Once and for all, sasabihin ko ito sa inyo, kahit na mag- strike pa kayo ulit at nang paulit-ulit, hindi magbabago ang plano ng gobyerno para sa PUV modernization. Kapakanan ba talaga ng commuters iniisip niyo o pansariling interest?"
PHOTO/S: Celine Pialago Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results