Pelikula ni Bela Padilla, hango sa real-life story ng Mañanita cops ng Davao del Norte

by Jojo Gabinete
Oct 4, 2019
Ang pelikulang Mañanita na pagbibidahan ni Bela Padilla ay isinali ng director at producer na si Paul Soriano sa 32nd Tokyo International Film Festival.
PHOTO/S: Noel Orsal

In competition sa 32nd Tokyo International Film Festival (TIFF) ang Mañanita, ang pelikula na isinulat ni Lav Diaz.

Si Paul Soriano ang director at producer dahil mula ito sa produksiyon ng 1017P film company.

Magaganap ang 32nd TIFF mula October 28, 2019 hanggang November 5, 2019, at tiniyak ni Paul ang pagdalo rito ni Bela Padilla, ang lead actress ng Mañanita.

Sa parte ni Bela, naninibago raw siya sa sniper character niya sa Mañanita dahil solo lamang siya sa mga eksena sa buong pelikula, na dalawa at kalahating oras ang running time.

"I’m very thankful that I was chosen to do this movie because I feel like we need more of this kind of films.

"When we released movies now, especially sa mainstream, I always read comments or I always hear comment na parang it’s all the same or parang siyang formula film.

"This movie, it went against all the formulas."

Continue reading below ↓

Patuloy ni Bela, "It’s a first time for me to do something like this with no love team.

"Siyempre, iba yung meron kang kaeksena na parang love story or meron kang ka-love team—you feel safe because may sumasalo."

Inamin naman ni Paul na ang kuwento ng Mañanita ay inspired ng mga tunay na pangyayari mula sa Mañanita cops ng Davao del Norte.

"The film and concept of Mañanita was actually inspired by a true story.

"Personally, in 2016, I was watching the news and there’s a feature about these police cops in Davao area, and what they would do in this time and world of the so-called drug war.

"What they would do because they don’t agree to violence, they don’t want to kill the drug suspects."

Kuwento niya, dalawang beses siyang nagpunta sa Davao del Norte kunsaan personal niyang nakausap ang mga drug user na sumuko sa Mañanita cops.

Continue reading below ↓

Sa halip na baril at dahas, ang mga naturang pulis ay gumamit ng harana at gitara sa pagdakip ng drug users.

"They wanted to give, I guess, due diligence; but what they would do is they would sing outside the house of these drug users or these drug dealers.

"It was very successful especially in Davao del Norte."

Nang tanungin daw ni Paul ang mga drug user kung bakit sila napasuko ng Mañanita cops, sumagot sila ng "Because when they started singing to us, the songs touched our souls."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang pelikulang Mañanita na pagbibidahan ni Bela Padilla ay isinali ng director at producer na si Paul Soriano sa 32nd Tokyo International Film Festival.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results