Ella Cruz, masaya sa kinalabasan ng mga eksena nila ni Louise Abuel sa Edward

by Jojo Gabinete
Oct 5, 2019
Ella Cruz finally had her chance to catch the commercial run of her movie, Edward, an official Cinemalaya 2019 entry.
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa wakas, napanood na rin ni Ella Cruz ang Edward, ang critically-acclaimed coming-of-age movie na nagbukas sa mga sinehan nitong nakaraang Miyerkules, October 2, 2019.

Official entry ang Edward sa 2019 Cinemalaya Independent Film Festival pero dahil sa kawalan ng oras, hindi nagkaroon si Ella ng pagkakataon na mapanood ang pelikulang nagbigay sa kanya ng Best Supporting Actress award.

Ipinangako ni Ella sa sarili na panonoorin niya ang Edward kapag ipinalabas ito sa commercial theaters.

Natawa si Ella nang mapanood niya ang sarili sa wide screen dahil sa kanyang karakter na palamura.

“Natatawa ako kasi hindi naman ako sanay na nakikita ko yung sarili ko na mura nang mura 'tapos ang dirty ko pa.

"Hindi rin naman po ako comfortable na pinapanood ang sarili ko,” sabi pa ni Ella na masaya kahit naiilang siya habang nanonood dahil maganda ang pelikula nila ni Louise Abuel.

“Happy ako. It turns out po na maganda ang mga eksena namin ni Louise, not just the scenes pero yung buong pelikula, talagang mapapamahal ka sa mga character.”

Continue reading below ↓

Si Thop Nazareno ang sumulat ng kuwento at direktor ng Edward. Hindi lamang ang mahusay na pagganap nina Ella at Louise ang mapapanood sa Edward dahil pulido rin ang direksyon ni Thop.

Pinupuri ng mga film critic ang opening scene ng Edward na tuhog dahil walang cut.

Sinabi ni Thop na ang opening scene ang pinakamahirap dahil nagsimula ng 4:00 am ang kanilang shooting at natapos ito ng alas-dose ng tanghali.

“Sobrang haba ng rehearsal namin. Ang call time namin noon sa staff at extras, 4 am. Natapos namin yung scene, 12 pm, just for that scene. Madugo po siya talaga. Doon ako talaga pinaka-ninerbyos sa buong shoot namin. Out of the ten days, yun ang pinaka-stressful,” pag-amin ni Thop.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ella Cruz finally had her chance to catch the commercial run of her movie, Edward, an official Cinemalaya 2019 entry.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results