Ronnie Liang, malaki ang pasasalamat kay Sarah Geronimo

by Jojo Gabinete
Oct 9, 2019
Ronnie Liang: "Thank you kay Sarah for allowing me to share these things with her, sa pag-guest niya sa akin sa kanyang mga concert at sa pag-guest niya sa concert ko."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Noel Orsal

Nagpapasalamat si Ronnie Liang kay Sarah Geronimo dahil tinanggap agad nito ang kanyang imbitasyon para maging special guest sa Love X Romance, ang anniversary show niya sa Music Museum sa November 8, 2019.

Dati-rati, si Ronnie ang special guest sa mga local at international concert tour ni Sarah, kaya malaking bagay ang pagpayag ng lead star ng Unforgettable na magkaroon ng special participation sa kanyang show.

Kuwento ni Ronnie, "Noong nag-guest ako sa show niya sa Iloilo, tinanong ko si Sarah kung puwede siyang mag-guest. Sabi niya, ‘Oo naman.’

"At the same time, kinausap ko na rin siya kung puwede kaming mag-release ng song together, like collaboration na ire-release online, Spotify, iTunes..

"Sabi niya, ‘Oo naman, bakit hindi?’

"Nakakataba ng puso whenever she introduces me sa stage.

"Sinasabi niya na, 'Ito po ang original singer ng Ngiti. Napakaganda ng boses. Ito po ang dapat binibigyan ng album.'

"Bini-build up niya ako onstage.

Continue reading below ↓

"And thank you kay Sarah for allowing me to share these things with her, sa pag-guest niya sa akin sa kanyang mga concert at sa pag-guest niya sa concert ko."

Kahit busy na siya sa rehearsals para sa Love X Romance, isinisingit ni Ronnie sa schedule nito ang pagpapalipad ng eroplano dahil gusto ng aviation school na kanyang pinapasukan na matapos na siya sa flying lessons niya.

FUTURE PILOT

Hindi itinanggi ni Ronnie ang kabang nararamdaman sa tuwing nagpapalipad siya ng eroplano dahil sa malakas na hangin na bumabangga sa kanya.

“Nakakatakot, nakakakaba. You know, minsan lumilipad ako, bigla akong itutulak ng hangin pababa, like instant twenty feet!

"Ibinibigay ko sa flight instructor ko, 'Captain, your control.'

"Kaso ayaw niya, ‘Bahala ka sa buhay mo. Remember your training.’ Yung mga ganoon.

"Walang hindi delikado, pero ang kagandahan, you need to rely or trust your training, trust the aircraft."

Continue reading below ↓

Nabanggit din ni Ronnie na may mga kasamahan siyang nagbuwis ng buhay, pero tanggap niyang bahagi ito ng mga panganib ng pagpapalipad ng eroplano.

"May mga kasamahan ako na kinuha na ni Lord, sumabit sa kuryente, sa puno…

"Yung iba, nag-land sa NLEX. Yung iba, nag-crash sa bandang Quezon or Laguna.

"Ganoon talaga, part ng risk ng kurso namin, pero mas nangingibabaw pa rin ang pangarap kong maging piloto," kuwento ni Ronnie tungkol sa propesyonng pinili niya, bukod sa pagkanta.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Liang: "Thank you kay Sarah for allowing me to share these things with her, sa pag-guest niya sa akin sa kanyang mga concert at sa pag-guest niya sa concert ko."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results