Ara Mina, muntik nang mag-back out sa Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions

by Jojo Gabinete
Oct 11, 2019
Vice Ganda on celebrities, like Ara Mina, who agreed to join Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions: "Mahirap talaga ito para sa mga celebrity kaya naa-appreciate nating lahat ang pagsali niyo, kasi siyempre, ie-expose niyo ang sarili niyo..."
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN

Hindi man siya pinalad manalo sa "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" ng It’s Showtime kahapon, October 10, 2019, nagawa ni Ara Mina na ipaalaala sa televiewers na mahusay siyang singer bago naging sexy actress.

Ang "My Immortal" ng American rockband na Evanescence ang inawit ni Ara sa celebrity edition ng "Tawag ng Tanghalan."

Sa interbyu sa kanya nina Amy Perez at Vice Ganda, ipinagtapat ni Ara na parang mabibiyak ang kanyang ulo habang naghihintay siya ng pagkakataong kumanta.

Sinabi rin ni Ara na pumasok sa kanyang isip na huwag nang ituloy ang paglaban sa singing competition ng It’s Showtime.

“Actually, nagba-back out na ako ng last minute.

"Sabi ko, kaya ko ba 'to, kasi this is the first time na nag-join ako ng contest sa TV.

"The last time, Grade 4 pa ako, sa school pa.

"Sanay naman tayo na mag-perform, pero yung live sa TV na medyo matagal na rin at saka contest…

Continue reading below ↓

"Hindi na rin ako nag-back out kasi parang gift ko na rin ito sa Showtime dahil paborito niyo akong i-guest dito, so happy 10th anniversary," sabi ni Ara.

Hindi rin niya nakalimutang i-plug ang Unforgettable, ang pelikula na tinatampukan niya at pinagbibidahan ni Sarah Geronimo.

Si Ara ang gumanap na ate ni Sarah sa Unforgettable.

Well-appreciated naman ni Vice Ganda ang kanyang mga kapwa celebrity na sumasali sa "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" dahil hindi ito madali.

"Mahirap talaga ito para sa mga celebrity kaya naa-appreciate nating lahat ang pagsali niyo, kasi siyempre, ie-expose niyo ang sarili niyo.

"Celebrities na sila 'tapos ie-expose sa judgment ng hindi lamang ng mga hurado kundi ng buong tao na nanonood.

"'Tapos, puwede silang ma-bash.

"Imagine, kapag na-Gong sila, parang ang hirap, celebrity 'tapos na-Gong.

"Pero okey lang sa kanila, they’re taking the challenge.

"Kaya maraming-maraming salamat," pahayag at pasasalamat ni Vice sa celebrity contenders ng singing contest ng kanilang noontime program.

Continue reading below ↓

Si Jimi Marquez ang nanalo sa Thursday edition ng "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions."

Nakalaban niya sina Ara, Guji Lorenzana, at Pepe Herrera.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on celebrities, like Ara Mina, who agreed to join Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions: "Mahirap talaga ito para sa mga celebrity kaya naa-appreciate nating lahat ang pagsali niyo, kasi siyempre, ie-expose niyo ang sarili niyo..."
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results