Ethel Booba, gustong pabalikin sa pagkanta ni Dulce

by Jojo Gabinete
Oct 11, 2019
Dulce to Ethel Booba (in photo): "Alam mo ba na God’s gift to you is really singing, the gift of voice?"
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN

"Maniningil" ang pabirong sinabi ni Ethel Booba na dahilan ng pagsali niya sa Friday edition ng "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" ng It’s Showtime.

Pero bago siya kumanta, nagbiro rin si Vice Ganda na nag-back out ang sexy singer-comedienne dahil kaliwaan ang gusto nitong talent fee na ibibigay sa kanya.

"Twitter Goddess at singer" ang introduction ni Ethel Booba sa sarili.

Noong nakaraang buwan, nagreklamo siyang hindi pa binabayaran ang talent fee niya sa kanyang guestings noon sa dalawang programa ng ABS-CBN—ang Minute to Win It at Gandang Gabi Vice.

Sa interbyu nina Vice Ganda at Vhong Navarro pagkatapos ng performance niya, sinabi ni Ethel na naayos na ng finance department ng ABS-CBN ang problema sa kanyang unpaid talent fees.

Nang sabihin ni Ethel na sumali siya sa "Tawag ng Tanghalan" dahil sa premyo, sinabi ni Vice na kailangan niyang makabawi.

"Kailangan makabawi kasi nga yung isang may utang sa kanya, programa ko, yung GGV.

Continue reading below ↓

"Naayos na ba ng finance?" tanong ni Vice kay Ethel.

"Wala akong kinalaman diyan, finance ho ‘yon, ha? Host lang ako, huwag niyo kaming pinag-aaway ni Ethel Booba!" natatawang komento ni Vice.

As expected, si Ethel ang tinanghal na Friday winner sa "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" ng It’s Showtime.

Tinalo niya sina Alex Castro, Marlo Mortel, at ang Korean singer na si Song-gyupsal.

DULCE'S PRAYER FOR ETHEL

Nagulat si Ethel nang ipaalaala sa kanya ni Dulce, punong hurado ng "Tawag ng Tanghalan," na isa rin ito sa mga dating hurado ng Sing Galing!, ang singing competition ng TV5 (1998-2004).

Si Ethel ang pinakamatagal na champion ng Sing Galing! dahil mahusay siyang singer, kaya ang seryosohin niya ang pagkanta ang dalangin ni Dulce.

"Ethel, ang saya-saya ko na pumayag ka na kumanta sa 'Tawag ng Tanghalan.'

"Alam mo, ikaw yung totoong belter, sexy na belter talaga.

Continue reading below ↓

"Ewan ko, hindi mo natandaaan, during Sing Galing, ako yung judge, yung ang haba-haba na panahon na nag-champion ka.

"Nami-miss ko yung ginagawa mo talaga, ang tining ng boses mo.

"Although malaki ang boses mo ngayon, pero alam mo ba na God’s gift to you is really singing, the gift of voice?

"Alam ko hindi mo maiwasan mag-comedy kasi natural comedienne ka talaga, kasama na yun.

"Pero ang prayer ko, bumalik ka talaga sa serious singing mo, kasi alam ko lagi kang puyat kaya ka namamaos.

"Laging puyat kasi lumalagare, ang sipag, ang bait nito, sagot niya lahat ng pamilya niya.

"Alam ko ‘yan. Nagkaiyakan pa noon.

"But Ethel, hindi ito charot. Alam ko yun, pero gusto ko talaga na seryosohin mo yung pagkanta mo kasi nanghihinayang ako.

"Alam ko na naka-focus ka noong araw. Ngayon, balikan mo yun.

"Hindi ko sinasabi na i-give up mo lahat, pero mas bigyan mo pa ng time, kasi talagang ang galing-galing mo.

Continue reading below ↓

"You know, you are a livewire onstage and I just want to hear more and more of you.

"Prayer ko talaga ‘yan, Ethel. Bumalik sa pagkanta, ha?" ang inspiring message ni Dulce para kay Ethel, na halatang touched na touched sa mga salitang narinig niya.

Hindi lamang si Dulce ang bilib sa singing talent ni Ethel dahil hinahangaan din ito ni Willie Revillame.

Former co-host ni Willie si Ethel sa Wowowillie noong 2013.

Dahil mahusay kumanta, binigyan ni Willie si Ethel ng sariling concert segment nito sa kanyang dating game show sa TV5.

Para sa mga nagnanais mapanood ang serious side ni Ethel bilang singer, mapapanood sa YouTube ang mga video ng kanyang nakakabilib at madamdaming pagkanta.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dulce to Ethel Booba (in photo): "Alam mo ba na God’s gift to you is really singing, the gift of voice?"
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results