Gloria Diaz maiksi pero memorable ang role sa Insatiable 2

by Jojo Gabinete
4 days ago
Maraming Pinoy ang nag-abang sa special participation ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz sa American black comedy Netflix series na Insatiable 2.
PHOTO/S: Netflix

Nagsimula kagabi, October 11, 2019, ang streaming sa Netflix ng Season 2 ng Insatiable, ang American black comedy-drama na inaabangan ng mga Pilipino dahil sa special participation ni 1969 Miss Universe turned actress Gloria Diaz.

Hindi nalalayo sa tunay na buhay ang role ni Gloria sa Insatiable 2 dahil Gloria rin ang pangalan ng karakter niya kaya natural na natural din ang pag-arte niya.

Siya si Gloria Reyes, ang former Miss Philippines at Miss Universe, ang legendary fiercest pageant coach sa buong “planeta” na malaki ang impluwensya sa mga hurado ng beauty pageant.

Mapapanood ang mga eksena ni Gloria sa episode 6 ng Insatiable 2 na may pamagat na "Eat and Run."

Qoutable at memorable ang mga dialogue ni Gloria sa kanyang mga eksena tulad ng, "Nobody talks about my [notorious] father anymore. Nobody cares. All they can see is the crown. And once you get it, the past is erased," at, "Happiness is for princesses, queens take control."

Continue reading below ↓

Maiksi pero markado ang role ni Gloria sa Insatiable 2 bilang former Miss Universe na nanalo sa beauty pageant na kanyang sinalihan, at para mapansin, siya ang nag-umpisa ng tsismis na lider ng pinaka-notorious na gang sa Pilipinas ang tatay niya, sa bisperas ng coronation night.

Si Gloria Reyes ang nanalo na Miss Universe dahil hindi nakapag-focus ang mga kalaban niyang natakot sa balita tungkol sa kanyang notorious father na siya rin ang nagkalat.

R18 ang classification sa Insatiable 2 dahil sa maseselan na eksena, dialogue, at kuwento ng Netflix series na tinatampukan nina Debby Ryan, Dallas Roberts, at Alyssa Milano.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maraming Pinoy ang nag-abang sa special participation ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz sa American black comedy Netflix series na Insatiable 2.
PHOTO/S: Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results