Sarah Geronimo, kahanga-hanga ang maka-Diyos na misyon sa buhay

by Jojo Gabinete
Oct 13, 2019
Sarah Geronimo (with Unforgettable directors Jun Lana and Perci Intalan, left) acknowledges that all her God-given talents and blessings are just platforms for her to inspire others.
PHOTO/S: Noel Orsal / Viva Films

Ayon sa mga direktor na sina Jun Lana at Perci Intalan, pure-hearted si Jasmine, ang karakter ni Sarah Geronimo sa pelikulang Unforgettable ng Viva Films.

Gaya ni Jasmine, sinabi nina Jun at Perci na pure-hearted din si Sarah at napatunayan nila ito sa kanilang matagal na pagsasama sa shooting ng Unforgettable.

“Mas pure-hearted sa akin si Jasmine,” ang parang nahihiyang pag-amin ni Sarah nang malaman nito ang papuri sa kanya nina Direk Jun at Perci.

“Ako po kasi minsan, nadadala rin ng mga negativity sa buhay pero at the end of the day, babalik at babalik tayo sa core natin, yung kung paano ka pinalaki...

“How you were wonderfully and fearfully made by God, sabi nga sa Bible [Psalm 139:14] po.

"Kailangan po, bumalik at bumalik ka doon so actually, medyo nakaka-relate po ako kay Jasmine,” ang paliwanag ni Sarah na nakakabilib dahil may sapat na kaalaman siya tungkol sa mga salita ng Diyos.

Continue reading below ↓

Habang kausap namin si Sarah, isang magaan at makahulugan pero tila mahirap saguting tanong ang naisip naming ibato sa kanya, ‘Masarap ba na maging Sarah Geronimo?’

Lahad niya, “Masarap ba na maging Sarah Geronimo? Ahh… balanse po… balanse po.

“Sa lahat naman po ng aspeto ng buhay, may pros and cons, di ba po? But you… parang… you choose to see the good in everything that you do.

“Kasi kung magpo-focus ka sa mga masasama, sa mga masasakit, mababaliw ka, di ba po?

"Happiness is a choice and yung gratitude, being content is a choice,” ang sagot ni Sarah na naniniwalang alam na niya ngayon ang kanyang mga misyon sa buhay.

“Yung prayers ko ngayon… ako po kasi sa buhay ko, parang dumating na ako sa point na hindi naman sa importante yung kikita ba yung pelikula ko or kikita yung album ko or relevant pa ba ako.

Continue reading below ↓

“Na-accept ko na po ang phase ng buhay ko na importante lang… ang goal ko lang, ang objective ko lang ay makapagbigay ng inspirasyon sa mga tao through my work. Yun lang po talaga and gamitin ito na platform.

“Kung anuman yung ibinigay sa akin ni Lord, magamit ko siya na platform para ipakilala si Lord. Hindi tayo perpekto pero laging may effort na gamitin itong ibinigay sa atin for Him.

“Hindi naman tayo katulad ng ibang artists na talagang masasabi mo na who are excellent at what they do, pero as long as may mga tao na naniniwala sa’yo, binibigyan ka ng trabaho, patuloy na napapangiti upon seeing your face, makita ka lang, marinig ka lang magsalita...

“Marinig ka lang kumanta, regardless kung nasa tono ka ba or hindi, napakalaking bagay po nu’n na talagang ako ay nagugulat din na 'Bakit Lord, bakit Lord?'

Continue reading below ↓

“Mapapaisip ka na how blessed I am, how blessed each one of us na kahit anong plataporma ang ibigay ni Lord, gamitin natin.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo (with Unforgettable directors Jun Lana and Perci Intalan, left) acknowledges that all her God-given talents and blessings are just platforms for her to inspire others.
PHOTO/S: Noel Orsal / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results