Jeric Gonzales award-winning actor na

by Jojo Gabinete
Oct 14, 2019
Nakuha ni Jeric Gonzales ang kanyang unang acting award matapos magwaging Best Single Performance by an Actor, ka-tie si Enchong Dee, sa 33rd Star Awards for Television para sa pagganap niya sa "Male Sex Slave sa Saudi" episode ng Magpakailanman.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Allan Sancon

Ngayong gabi, October 14, ang press launch ng Magkaagaw, ang afternoon drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa October 21.

Ito ang biggest television break ni Jeric Gonzales dahil siya ang lead actor.

May mapag-uusapan tungkol kay Jeric sa magaganap na presscon ng Magkaagaw dahil siya ang nanalo sa Best Single Performance by an Actor category ng 33rd Star Awards for Television.

Nanalo siya para sa kanyang pagganap sa "Male Sex Slave sa Saudi" episode ng Magpakailanman, ang weekly drama anthology ni Mel Tiangco sa Kapuso Network.

"Maraming salamat sa opportunity na 'to.

"Para po sa inyo ang award na 'to, sa lahat ng bumubuo ng Magpakailanman,” bahagi ng pasasalamat ni Jeric.

Naka-tie ni Jeric si Enchong Dee na nanalo para sa pagganap nito sa "Wheelchair" episode ng MMK.

Tinalo nina Jeric at Enchong sina Alden Richards, Dennis Trillo, Joshua Garcia, Kiko Estrada, Wally Bayola, at Zaijian Jaranilla sa nabanggit na kategorya.

Continue reading below ↓

Mula nang sabihin sa kanya na siya ang lead actor sa Magkaagaw, may mga isinakripisyo si Jeric bilang pagpapahalaga sa malaking tiwala at oportunidad na ibinigay sa kanya ng home studio niya.

"Isinakripisyo ko yung time, nag-dedicate ako ng maraming time para sa Magkaagaw.

"Halos hindi ko na nakakausap ang parents ko at mga kapatid ko.

"Nag-effort talaga ako. Sobrang puyat, pero kailangang mag-gym kahit gabi na.

"Parang 11 P.M. na, kailangan ko pa dumaan sa gym. Nag-lose talaga ako ng weight for this project.

"Actually noon pa, yung supposed to be Rosang Agimat, nag-prepare na talaga ako.

"Action po yun, maraming trainings, so pumayat ako.

"Athletic din naman talaga ako, nagba-basketball, boxing, at Muay Thai ako.

"Mas naging strict ako sa diet ngayon, hindi na ako nagra-rice for one year na.

"Ang diet ko po ngayon is low carbs, high protein, and fiber. No sugar or desserts.

"Kailangan talaga strict sa food.

Continue reading below ↓

"Kailangan, may fruits ako na dala sa taping para kapag nagutom ako.

"Usually, apple, oranges, at papaya ang mga kinakain ko," sabi ni Jeric, na sineryoso nang husto ang pagpapapayat dahil sa mga daring at sexy scene niya sa Magkaagaw.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakuha ni Jeric Gonzales ang kanyang unang acting award matapos magwaging Best Single Performance by an Actor, ka-tie si Enchong Dee, sa 33rd Star Awards for Television para sa pagganap niya sa "Male Sex Slave sa Saudi" episode ng Magpakailanman.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results