Kris Bernal, Rayver Cuz, Kakai Bautista nagbigay-pugay sa mga guro ng Cavite

by Jojo Gabinete
Oct 14, 2019
Kabilang sina Rayver Cruz, Kakai Bautista, at Kris Bernal sa mga nagbigay ng kasiyahan sa mga guro ng Kawit, Cavite na binigyang-parangal sa kauna-unahang Gawad Aguinaldo.

Ang first-ever Gawad Aguinaldo sa Kawit, Cavite ang isa sa mga selebrasyon na dinaluhan nina Rayver Cruz at Kris Bernal bago magpaalam sa darating na Sabado, October 19, 2019 ang kanilang afternoon drama-horror series sa GMA-7, ang Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko.

Kasama si Kawit Mayor Angelo Emilio Aguinaldo, naghatid ng kasiyahan sina Kris, Rayver, at pati na si Kakai Bautista sa mga guro ng Cavite na pinarangalan bilang modern-day heroes dahil sa dedikasyon sa kanilang propesyon at pagmamahal na ipinakikita sa mga estudyante nila.

Kinilala sa World Teachers Day celebration sa Kawit, Cavite ang mga kontribusyon ng outstanding teacher-awardees na sina Marvin Jay Ignacio Maming ng Emilliano Tria Tirona Memorial National High School; Ederlyn Pel-Algonajota ng Binakayan National High School; Cindy Mae Suarez ng Binakayan Elementary School; Willie Claudio O. Endaya ng Gahak Elementary School; Judilyn Tiva ng Aguinaldo Elementary School; at Sheilaver C. Mangune ng Potol Sta. Isabel Elementary School.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Mayor Aguinaldo sa speech nito, “Our municipality is not just beaming with history and culture.

"Our great heritage stems not just from our heroic ancestors who hailed from Kawit but also from the modern-day educators who share the same love for the country and its people."

Pinasalamatan din ni Mayor Aguinaldo sina Kris, Rayver, at Kakai dahil naging parte ang tatlong showbiz personalities sa kauna-unahang Gawad Aguinaldo at pagbibigay-pugay sa mga guro na itinuturing na isa sa mga tunay na bayani ng bansa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sina Rayver Cruz, Kakai Bautista, at Kris Bernal sa mga nagbigay ng kasiyahan sa mga guro ng Kawit, Cavite na binigyang-parangal sa kauna-unahang Gawad Aguinaldo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results