Dennis Trillo, excited na muling nakagawa ng pelikula sa Star Cinema

by Jojo Gabinete
Oct 15, 2019
Kapuso actor Dennis Trillo on doing a movie for Star Cinema: "Masaya po at laging magandang experience dahil yun pa lang thought na makakapagtrabaho uli ako, kasama ang Star Cinema, ay parang nakakasiguro na ako na quality na proyekto na naman ang gagawin ko."
PHOTO/S: Noel Orsal

Masaya ang pakiramdam ni Dennis Trillo dahil nakagawa uli siya ng pelikula sa Star Cinema—ang supernatural thriller na Hellcome Home na may perfect playdate sa October 30, 2019.

Si Dennis ang lead actor ng Halloween presentation ng Star Cinema at ito ang pangalawang project niya para sa nabanggit na film company.

Ang 2015 movie na You’re Still the One, na co-production venture ng Regal Entertainment Inc., ang unang project ni Dennis sa Star Cinema.

"Masaya po at laging magandang experience dahil yun pa lang thought na makakapagtrabaho uli ako, kasama ang Star Cinema, ay parang nakakasiguro na ako na quality na proyekto na naman ang gagawin ko.

"Bukod doon, makaka-experience din akong makatrabaho yung mga artistang hindi ko madalas makita’t makatrabaho, kaya lagi po akong nae-excite tuwing mapapadpad ako dito at gagawa ng movie, kasama ang Star Cinema," sabi ni Dennis tungkol sa second movie project niya sa Star Cinema.

Continue reading below ↓

Si Bobby Bonifacio Jr. ang direktor ng Hellcome Home at ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya si Dennis.

Ayon kay Dennis,hindi siya nagkaroon ng problema kay Bobby na isang visionary para sa kanya.

"First time ko na makatrabaho si Direk at hindi ako nagkaroon ng kahit na anong problema dahil noong unang meeting namin, ikinukuwento na niya sa akin yung takbo ng kuwento.

"Parang na-realize ko na si Direk, parang siya yung direktor na siya ‘yung klase ng visionary na napanood na niya yung pelikula sa utak niya bago pa niya i-shoot sa video.

"Hindi kami nagkaroon ng problema, malinaw yung direksiyon ng patutunguhan ng bawat characters namin at yung demand na gusto niyang makuha sa bawat isa sa amin."

Madugo at bayolente ang mga eksena sa full trailer ng Hellcome Home na ipinakita sa presscon na ginanap sa Dolphy Theater nitong Lunes ng gabi, October 14.

Tanggap ni Bobby na posibleng mabigyan ng R13 classification ng MTRCB ang pelikula ni Dennis dahil sa mga eksenang hindi puwedeng panoorin ng mga bata, at hindi ito isyu sa kanya.

Continue reading below ↓

"Sa akin po, may sariling audience po itong pelikula na 'to and, of course, hindi ko naman po talagang inaasahan na manood ang mga five-year-old kaya kung maka-R13 siya, masaya na po kami.

"Dahil ang tina-target na audience nito ay yung mga ganoong edad pataas," pahayag ng direktor ng Hellcome Home na tinatampukan din nina Beauty Gonzalez, Alyssa Muhlach, at Raymond Bagatsing.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Dennis Trillo on doing a movie for Star Cinema: "Masaya po at laging magandang experience dahil yun pa lang thought na makakapagtrabaho uli ako, kasama ang Star Cinema, ay parang nakakasiguro na ako na quality na proyekto na naman ang gagawin ko."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results