Singer na si Katrina Velarde, ibinahagi ang pagkakaroon niya ng Bell's Palsy

Katrina Velarde, tinanggihan ang Rak of Aegis dahil sa Bell's Palsy.
by Jojo Gabinete
Oct 16, 2019
Buntis si Katrina Velarde nang magkaroon siya ng Bell's Palsy noong 2016. Dahil dito ay nagpahinga siya sa pagkanta.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang pagkakaroon ng Bell’s Palsy habang ipinagbubuntis niya noon ang kanyang three-year-old son ang isa sa mga pagsubok na naranasan ng singer na si Katrina Velarde.

Sinabi ni Katrina na mababakas pa rin sa mukha niya ang epekto ng Bell’s Palsy, pero nahalata lamang ito nang magkuwento siya tungkol sa kanyang naging karamdaman noong 2016.

“Ngayon po, actually po, visible pa rin siya.

"Kapag sinabi ko po sa inyo, mas mapapansin niyo siya.

"Kapag kumakanta po ako, visible pa rin.

"Kapag tumatawa ako, eto po yung na-Bell’s Palsy," sabi ni Katrina sabay turo sa kanang bahagi ng kanyang mukha na naapektuhan ng Bell’s Palsy.

“Hindi naman po talaga ako mag-i-stop dapat kumanta, e, kasi po nagso-show pa rin ako with Tito Gary [Valenciano], seven months [pregnant].

"Pagtuntong ko ng eight months, ayun, nagkaroon ng Bell’s Palsy po ako."

Anong cause?

“Immune system, kinuha lahat ng baby.”

Hindi ba mahirap na may Bell’s Palsy ka, at the same time, buntis ka?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mahirap po kasi hindi ako makakain nang maayos, numb yung half ng dila din po, 'tapos naka-drop po talaga pababa," pagtukoy ni Katrina sa kanang bahagi kanyang ng mukha.

“So, nag-recover po ako doon.

"Actually, in-offer-an ako ng Rak of Aegis pagkapanganak ko po, kaso hindi ko po magawa kasi nga po bagsak pa rin po siya.

"So, nagpahinga po ako, pero minsan kapag kumakanta ako, tabingi siya.

“Umabot siya [Bell’s Palsy] ng three, four months bago po ako maka-80 percent recovery, 80 or 90. Nag-therapy po ako.

"Prone po ang mga buntis sa Bell’s Palsy."

Bumalik na ba sa dati ang boses mo?

"Opo. Hindi naman po siya nagbago, parang namahinga lang, kasi hindi ka kumakanta.

"'Tapos nababalik naman siya as time goes by habang kumakanta ka ulit nang kumakanta."

Muling binalikan ni Katrina ang pagkanta dalawang buwan pagkatapos isilang ang kanyang anak.

“After two months, tabingi pa po… syubingi pa po ang mukha ko, pero ikinakanta ko na din talaga para hindi po masyadong matagal yung pahinga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Halata po, hanggang ngayon po, halata pa rin, parang 90 percent po.

"Saka sa mata rin po, halata."

Postscript: Mapapanood si Katrina sa SiKati2, ang second major concert niya para sa 2019 at magaganap ito sa New Frontier Theater sa November 29, 2019.

Special guests ni Katrina sa SiKati2 sina Bugoy Drilon at Michael Pangilinan.

Gusto sana ni Katrina na maging bahagi ng kanyang concert si Lani Misalucha, na isa sa mga hinahangaan niyang singer, pero may prior commitment ang Asia’s Nightingale.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Buntis si Katrina Velarde nang magkaroon siya ng Bell's Palsy noong 2016. Dahil dito ay nagpahinga siya sa pagkanta.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results