Manny Pacquiao, sasabak bilang World War II hero sa Freedom Fighters

by Jojo Gabinete
Oct 16, 2019
Freedom Fighters ni Manny Pacquao, planong gawing pang-Hollywood movie ng producer nito.
PHOTO/S: www.theinspirestudios.com

Si Senator Manny Pacquiao ang gaganap na Colonel Macario Peralta Jr. (July 30, 1913-January 7, 1975) sa Freedom Fighters, ang Hollywood-Philippines global feature film na magsisimula ang shooting sa 2020.

Sa mga hindi nakakakilala kay Peralta, siya ang lider ng Philippine Guerilla sa Panay Island na lumaban sa mga Hapon noong World War II.

Dahil sa kabayanihan na ipinamalas ni Peralta, pinarangalan siya ng United States government ng Distinguished Service Cross at ng Silver Star.

May common denominator sina Peralta at Pacquiao dahil pareho silang naglingkod bilang mga senador.

Si Peralta ay 36 years old nang mahalal na senador noong 1949, at si Manny ay 38 years old nang manalo sa senatorial election noong 2016.

Joint venture ng Inspire Studios, Inc. sa isang major US studio ang produksiyon ng Freedom Fighters.

Si Francis B. Lara Ho ang CEO ng Inspire Studios.

Ayon sa kanya, plano niyang magkaroon ng global, Hollywood studio-level release ang pelikula na pagbibidahan ni Pacquiao.

Continue reading below ↓

"We are currently in discussions with leading Hollywood and Philippine studios, financiers and distributors, as well as 'A-List' directors and actors to bring this amazing, inspirational story to the global audience.

"Having the charismatic and beloved Senator Manny Pacquiao join us to play real life WWII Filipino hero Colonel Peralta is an exciting step in putting together a cast of top-tier actors for this movie.

"Manny is a worldwide hero and admired by people from all over the world, so stepping into this role is a natural for him."

Pahayag pa ni Lara Ho tungkol sa main goal niya sa pag-produce ng pelikula:

"We want to impact humanity by creating world class movies of hope, heroism, and honor from stories based on true-to-life events.

"Movies that go beyond mere entertainment. Those that showcase positive, human virtues.

"Movies that inspire and stir us to look beyond ourselves, and help us dream to be greater and encourage us to pursue something bigger than life itself!"

Continue reading below ↓

Mula sa memoirs ni Louise Spencer ang kuwento ng Freedom Fighters.

Isa si Spencer sa mga Amerikanong naninirahan sa Hopevale, isang community ng patriots sa Panay Island noong World War II, at malaki ang partisipasyon nila sa kasaysayan ng digmaan sa Pilipinas nang sakupin ito ng mga Hapon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Freedom Fighters ni Manny Pacquao, planong gawing pang-Hollywood movie ng producer nito.
PHOTO/S: www.theinspirestudios.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results