Beauty Gonzalez, hindi isyu ang pagganap bilang ina ni Teejay Marquez

by Jojo Gabinete
Oct 16, 2019
Beauty Gonzalez, 28, on playing mother of Teejay Marquez, who claims to be 26 years old: "Okey lang as long as I don’t look like a real mom in the real person, yun ang importante."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nanay ni Teejay Marquez ang role ni Beauty Gonzalez sa Hellcome Home, ang Halloween presentation ng Star Cinema na mapapanood sa mga sinehan simula sa October 30, 2019.

Maraming beses nang gumanap si Beauty na nanay sa mga drama series ng ABS-CBN kaya, para sa kanya, hindi isyu ang pagganap niya bilang ina ni Teejay sa Hellcome Home.

"I am happy I’m doing my job and people believe that I’m a mother of these kids.

"But I’m a cool mom, that’s what’s more important, cool ako, di ba?

"Okey lang as long as I don’t look like a real mom in the real person, yun ang importante,” sagot ni Beauty nang tanungin tungkol sa pagpayag niyang maging anak si Teejay sa pelikula.

Credible si Teejay na gumanap na anak ni Beauty sa Hellcome Home dahil baby-faced ang aktor at mapagkakamalang 20 years old, kahit sinasabi niyang 26 years old na siya.

Continue reading below ↓

In real life, 28 years old na si Beauty kaya matanda pa rin siya kay Teejay ng dalawang taon.

Pero ipinagkanulo ang aktor ng ex-special friend nito.

Twenty-six ang showbiz age ni Teejay dahil sa claim nitong September 29, 1993 ang araw ng kanyang kapanganakan.

Pero kinontra ito ng isang Allan, a nurse from London, na nagpainterbyu kay DJ Mo Twister noong June 2019.

Ibinulgar ni Allan na 32 years old na si Teejay at may P10 million itong utang sa kanya.

Apparently, hindi maganda ang kinahinatnan ng special friendship ng dalawa dahil ibinuko rin ni Allan ang pagpapaayos ni Teejay ng mukha.

Kung may katotohanan man ang akusasyon ni Allan tungkol sa tunay na edad ni Teejay, ito ang unang pagkakataong gumanap si Beauty sa pelikula na nanay ng isang aktor na mas matanda sa kanya ng apat na taon.

In all fairness, papasa talaga si Teejay na anak ni Beauty dahil bata nga ang kanyang hitsura.

Continue reading below ↓

Kung totoo mang miyembro siya ng "Dagdag-Bawas Gang" dahil sa pagbabawas niya ng edad, hindi siya nag-iisa.

Marami ang mga artista na kagaya ni Teejay ang nagbabata-bataan at nagpapabata dahil nahihirapang matanggap ang pagtanda.

Pero nabubuko ang mga sikreto nila dahil umaarte sila nang hindi naaayon sa kanilang mga edad.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty Gonzalez, 28, on playing mother of Teejay Marquez, who claims to be 26 years old: "Okey lang as long as I don’t look like a real mom in the real person, yun ang importante."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results