Mother Lily, hindi umasang makakapasok ang The Heiress sa MMFF 2019

by Jojo Gabinete
Oct 16, 2019
Sa pagdiriwang ng World Pandesal Day sa Kamuning Bakery kahapon, October 16, sinabi ni Mother Mother Lily Monteverde na hindi niya inaasahang makakapasok sa Magic 8 ng MMFF 2018 ang pelikula nilang The Heiress.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Regal Entertainment

Si Regal Entertainment, Inc. producer Mother Lily Monteverde ang special guest sa pagdiriwang ng 5th World Pandesal Day na ginanap nitong Miyerkules ng umaga, October 16, 2019, sa Kamuning Bakery Café na pag-aari ng businessman at The Philippine Star columnist na si Wilson Lee Flores.

Personal na inimbitahan ni Wilson si Mother Lily dahil bukod sa magkaibigan sila, magkasing-tanda ang Regal producer at ang Kamuning Bakery.

Nang makausap si Mother Lily ng entertainment press, ang The Heiress ang isa sa mga itinanong sa kanya.

Ang The Heiress ang horror movie ng Regal na pinagbibidahan nina Maricel Soriano, Sunshine Cruz, McCoy de Leon at Janella Salvador na isinali ni Mother Lily sa 45th Metro Manila Film Festival na magaganap sa December 2019.

Sinabi ni Mother Lily na hindi ito umaasang mapipili ang The Heiress bilang official entry sa annual film festival.

Nagkatotoo ang kanyang pahayag dahil hindi pinalad na makabilang sa Magic 8 ang pelikula niya.

Continue reading below ↓

Dumalo si Mother Lily sa announcement ng apat na pelikulang kukumpleto sa Magic 8, na naganap kahapon sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City.

Tulad ng kanyang inaasahan, hindi napili ang The Heiress kaya matutuloy ang showing nito sa cinemas nationwide sa November 27, 2019.

Kasama sa cast ng The Heiress si Jane de Leon, ang bagong Darna.

Ang Regal ang unang nagbigay kay Jane ng break sa pelikula.

Nag-shooting na siya para sa The Heiress nang i-announce ng Star Cinema na ang young actress ang gaganap na Darna.

THREE-KILO PANDESAL

Going back to World Pandesal Day celebration, ipinakita ni Wilson kay Mother Lily ang pinakamalaking pandesal na may timbang na tatlong kilo na ginawa ng baker niya.

Continue reading below ↓

Naabutan namin sa Kamuning Bakery ang mahabang pila ng ating mga kababayan na tumanggap ng mga libreng tinapay mula kay Wilson.

Naging inspirasyon ni Wilson sa pamamahagi ng libreng tinapay ang Bible story tungkol sa isang bata na ibinahagi kay Hesus Kristo ang dala niyang tinapay at dalawang isda.

Gumawa ng milagro si Hesus Kristo dahil mula sa limang tinapay at dalawang isda, napakain Niya ang limang libong tao.

Ang Kamuning Bakery ang itinuturing na oldest bakery sa bansa.

Sa kasamaang-palad, tinupok ng apoy ang bakery noong February 2018, pero himalang nakaligtas ang pugon.

Sa kabila ng nangyaring trahedya, ipinagpatuloy ni Wilson ang operasyon ng Kamuning Bakery para sa kapakanan ng mga kostumer niya.

Nangako si Wilson na muling itatayo ang Kamuning Bakery sa dating puwesto nito sa susunod na taon.

Sina Gloria Romero, Nick Joaquin, Mike Hanopol, former President Cory Aquino, ang National Artist for Music na si Levi Celerio, at Susan Roces ang ilan sa mga ipinagmamalaki ni Wilson na celebrity clients ng bakery niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pagdiriwang ng World Pandesal Day sa Kamuning Bakery kahapon, October 16, sinabi ni Mother Mother Lily Monteverde na hindi niya inaasahang makakapasok sa Magic 8 ng MMFF 2018 ang pelikula nilang The Heiress.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Regal Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results