Claudine at Marjorie Barretto, nagkasakitan sa burol ng kanilang ama

by Jojo Gabinete
Oct 17, 2019
Pagkatapos ng kumprontasyon nina Gretchen at Marjorie (kanan) Barretto noong Miyerkules ng gabi, October 16, sina Claudine (kaliwa) at Marjorie naman ang nagkasakitan nitong Huwebes ng gabi, October 17, sa mismong burol ng kanilang ama.
PHOTO/S: Claudine Barretto Instagram / Marjorie Barretto Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

And the Barretto family drama continues...

Isinugod si Claudine Barretto sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, nitong Huwebes ng gabi, October 17, 2019.

Ito ay base sa ulat ni Dexter Ganibe ng DZMM na nailathala rin sa ABS-CBN News.

Ayon sa ulat, nagkasakitan si Claudine at ang kanyang nakatatandang kapatid na si Marjorie Barretto sa burol ng kanilang ama na si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

Kasama rin daw sa nangyaring gulo ang anak ni Marjorie na si Julia Barretto.

Dinala si Claudine sa ospital ng isang Ruby Baguhin, na nagpakilala bilang tauhan ni Gretchen Barretto.

May mga galos sa kamay si Claudine nang dalhin siya sa ospital at nakaramdam din daw siya ng pagkahilo.

Continue reading below ↓

Wala si Gretchen Barretto nang maganap ang pag-aaway nina Marjorie at Claudine.

Pero nang magkausap sila sa telepono, pinayuhan daw ni Gretchen ang bunsong kapatid na umalis na lamang sa burol ng kanilang ama.

Ang nangyaring gulo ang pangalawang pagkakataong nag-away ang Barretto sisters sa burol ng kanilang ama.

Noong Miyerkules ng gabi, October 16, si Gretchen ang inaway ni Marjorie at ng kanilang pamangkin na si Nicole (anak ni Jay-jay Barretto) sa harap ng nakikiramay na si President Rodrigo Duterte, na nabigong pagkasunduin ang warring Barretto sisters.

Kilala si President Duterte sa pagiging matapang at pasaway, pero ikinabigla niya ang mga nasaksihang eksena dahil hindi siya handa.

Matagal nang may hidwaan sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.

May mga nagsabing lalong lumalim ang iringan ng magkakapatid dahil hindi nagustuhan ni Marjorie ang pagpapadala nina Gretchen at Claudine ng bulaklak kay Bea Alonzo noong kainitan ng isyu tungkol sa rumored relationship nina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng kumprontasyon nina Gretchen at Marjorie (kanan) Barretto noong Miyerkules ng gabi, October 16, sina Claudine (kaliwa) at Marjorie naman ang nagkasakitan nitong Huwebes ng gabi, October 17, sa mismong burol ng kanilang ama.
PHOTO/S: Claudine Barretto Instagram / Marjorie Barretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results