Kawit Mayor Angelo Emilio Aguinaldo, ipinagtanggol ang kanyang lolo na si Gen. Emilio Aguinaldo

by Jojo Gabinete
Oct 18, 2019
Para kay Kawit, Cavite Mayor Angelo Emilio Aguinaldo, degrading ang portrayal sa kanyang lolo na si Gen. Emilio Aguinaldo sa pelikulang Heneral Luna.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Pursigido si Kawit, Cavite Mayor Angelo Emilio Aguinaldo na i-promote ang tourism industry ng kanilang bayan sa pamamagitan ng "Tara Sa Kawit."

Sinabi ng apo ni General Emilio Aguinaldo na naging mabilis ang pag-unlad ng Kawit mula nang buksan ang Manila–Cavite Expressway noong 2011, kaya mabilis nang napupuntahan ng mga turista ang kanilang bayan.

Ang mga historical site na Emilio Aguinaldo Shrine, Baldomero Aguinaldo Shrine, Irasan, Old Municipal, Pandayan, General Candido Tirona Monument, St. Mary Magdalene Church, at Battle of Binakayan ang ilan sa mga must-visit tourist attraction na ipinagmamalaki ni Mayor Aguinaldo.

Continue reading below ↓

Opisyal na inilunsad ang "Tara sa Kawit" nitong Huwebes, October 17, 2019.

Special guest si Bb. Pilipinas-International 2019 Bea Patricia Magtanong na suportado ang tourism project ng 37-year-old town mayor.

Ayon kay Bea, na ambassadress ng Tara sa Kawit, “Although I’m not from Cavite, I’m representing the Philippines, so I’m always proud to promote our tourism and masaya rin ako travelling to other places.

Continue reading below ↓

“Alam ko na dito sa Kawit ang birthplace ng Philippine Independence, pero ngayon ko lang na-realize na dapat na dito natin isine-celebrate [ang Araw ng Kalayaan] imbes na sa Luneta.

"Kasi napaka-rich ng history ng Kawit, Cavite at, like Mayor said, ang lapit-lapit lang."

Continue reading below ↓

VILLAIN PORTRAYAL OF AGUINALDO

Out of curiosity, dahil apo siya ni General Emilio Aguinaldo, itinanong ng Cabinet Files kay Mayor Aguinaldo ang reaksiyon nito tungkol sa tila villain portrayal sa kanyang lolo sa 2015 bioflick na Heneral Luna.

Sagot niya, "Hindi ako happy doon.

"Sa movies na ipinalalabas for the past few years, parang masyado nilang dine-degrade, masyadong sinisiraan si General Emilio Aguinaldo.

"Pero kung iisipin natin sa mga panahong iyon, magulo talaga ang mga panahon na yun, may mga dayuhan, may mga giyera…

“Kung totoo man na nagawa ni Heneral yun, hindi natin [siya] ma-blame.

"Mga kapwa Pilipino, nagkakagulo na, may mga dayuhan pa sa bansa.

"Sana makita rin or ma-open din sa public na kung pag-aaralan po natin, ilan ba ang napanalunan na giyera o laban sina Bonifacio… compared kay Heneral Aguinaldo?

“Itong Emilio Aguinaldo, kaya tayo malaya ngayon, ma-realize sana, lalo na sa mga student, na dahil sa mga pakikipaglaban ng aking lolo, e, meron tayong independence.

Continue reading below ↓

"May flag tayo, may ginawang Pambansang Awit….

“Sana maging fair lang, pag-aralang maigi yung history, kasi may kanya-kanyang sides lagi ‘yan.”

Bilang apo ni Heneral Emilio Aguinaldo, may plano ka bang ituwid ang sa tingin mo ay maling ipinakita sa pelikula?

“Kung gugustuhin naming pamilya, gusto po rin namin para maklaro yung issues. Pero sa ngayon, wala pa,” sagot ni Mayor Aguinaldo.

Postscript: Nabigyan ng pagkakataon ang Cabinet Files na makapasok sa Aguinaldo Shrine.

Masuwerte kami dahil nalibot namin ang lahat ng sulok ng mansion ni Heneral Emilio Aguinaldo na may pitong palapag.

Nabigyan din kami ng tsansa na bihirang-bihira na mangyari—ang makaakyat sa tore ng Aguinaldo Shrine na maraming hagdan, secret doors, at secret rooms.

Ipinakita rin sa amin ng tour guide ang lihim na pintuang may lagusan patungo sa 400-year-old St. Mary Magdalene Church.

Ang pagkakaroon ng maraming secret room ng Aguinaldo Shrine ang isang patunay na hindi basta nagtitiwala sa kapwa si Heneral Aguinaldo at malaki ang pagpapahalaga nito sa seguridad niya at ng kanyang pamilya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para kay Kawit, Cavite Mayor Angelo Emilio Aguinaldo, degrading ang portrayal sa kanyang lolo na si Gen. Emilio Aguinaldo sa pelikulang Heneral Luna.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results