Meet Carl Guevarra, lead vocalist ng The Juans

by Jojo Gabinete
Oct 19, 2019
Madalas na mapagkamalang miyembro ng bandang The Juans (kaliwa) ang model-turned-actor na si Carl Guevara (kanan). Kapangalan niya kasi ang lead vocalist ng banda na si Carl Guevarra (naka-white jacket sa photo sa kaliwa).
PHOTO/S: Jojo Gabinete (The Juans) @guevara_carlo on Instagram (Carl)

Parehong-pareho ng pangalan ang aktor na si Carl Guevara at ang The Juans vocalist na si Carl Guevarra kaya madalas na nalilito sa kanila ang mga tao.

Kahit sinabi ni Carl na may double R ang kanyang apelyido, magkatunog na magkatunog pa rin ang mga pangalan nila ni Carl na Carlo Guevara ang real name.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung may ikinatutuwa man si Carl, ito ay ang unti-unting pagkakaroon niya ng sariling identity dahil kilala na siya bilang vocalist ng The Juans.

“Ang ipinagkaiba po namin ni Carl Guevara, isa lang po ang R niya, sa akin po dalawa.

“Actually, noong nagsisimula po ako sa showbiz, medyo naging concern ko po yun, 'Paano yan may kapangalan ka, mas sikat sa ’yo so hindi ka makikilala ng mga tao?'

“But I think,yung The Juans po ang naging bahay ko at mas secured po ako na kilala yung The Juans kesa sa pangalan ko.

“Naalaala ko po, sumali ako sa [It's] Showtime, sa 'KapareWho,' yung 'KapareWho' kasi nakamaskara ka. 'Tapos, paglabas ko po sa screen, ang naririnig ko po na sinasabi ng mga tao, ‘Ay, yan yung sa The Juans!’

“Kahit na nung ipinakilala po ako, ang nagte-trending sa Twitter ay The Juans and for some reason, there’s a level of fulfillment in my heart na bakit ang saya ko na The Juans ang kilala, hindi yung personality na si Carl?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So feeling ko po, natanggap ko na kahit may kapangalan ako, yung ginagawa ng The Juans as a group, that will remain to people and that will touch more people and I’m fine with that kahit hindi ako sumikat nang todo-todo," ang reaksyon ni Carl tungkol sa confusing screen names nila ni Carl Guevarra.

Mula sa Malolos, Bulacan ang limang miyembro ng The Juans at nabuo ang kanilang grupo noong 2013.

Believe it or not, after six years, saka lamang naranasan ng The Juans ang magkaroon ng sariling presscon dahil sa overwhelming success ng "Hindi Pwede," ang hit single nila sa Viva Records.

Masayang-masaya sina Carl, Japs Mendoza ( guitar/vocals), RJ Cruz ( acoustic guitar/vocals), Chael Adriano ( bass/vocals), at Josh Coronel dahil hindi nila inaasahan ang mainit na pagtanggap ng music lovers sa "Hindi Pwede." May 6-million listens at number one sa Spotify Philippines’ Viral 50 charts ang "Hindi Pwede."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa popularity sa nabanggit na streaming platform, may eight million views sa YouTube ang hit single ng The Juans.

Nang sabihin ng Cabinet Files na baka tulad din sila ng ibang mga sumikat noon na banda na nangako na hindi mabubuwag pero nagkahiwa-hiwalay rin, nagbigay si Carl ng sincere and honest opinion.

“Naniniwala po kami na unity doesn’t always means uniformity. Ibig sabihin, hindi nadedetermina ng pagiging magkakabanda ang pagsasama at ang relasyon ng bawat isa.

“Ang maganda po siguro sa grupo namin, nauna kami na maging magkakaibigan so before the band, we already knew within our hearts that we are a member of the family and that bond is stronger than a name, stronger in a position in a band.

“So feeling ko po, yung assurance na magsasama-sama kami, I cannot assure that we will be playing music together forever.

“That will be wonderful pero hindi ko po itinatali yung buhay ko na forever ko itong gagawin with them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Rather every moment that I have, every performance, every platform, big or small, I would always cherish that with these boys because I know that I am with my family,” ang pahayag ni Carl na tumatayo bilang spokesperson ng The Juans.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Madalas na mapagkamalang miyembro ng bandang The Juans (kaliwa) ang model-turned-actor na si Carl Guevara (kanan). Kapangalan niya kasi ang lead vocalist ng banda na si Carl Guevarra (naka-white jacket sa photo sa kaliwa).
PHOTO/S: Jojo Gabinete (The Juans) @guevara_carlo on Instagram (Carl)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results