Gab Lagman, inaming mutual decision ang breakup nila ni Sanya Lopez

by Jojo Gabinete
Oct 20, 2019
Kapamilya hunk Gab Lagman (left) on aborted romance with Kapuso star Sanya Lopez (right): “Wala po akong masasabi kay Sanya. Sobrang bait na babae po niya and it’s just didn’t work out because of work."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Jay Tablante

Hindi kumportable si Gab Lagman na magkuwento tungkol sa naging relasyon nila noon ni Sanya Lopez dahil sa kanyang matitipid na sagot nang makausap namin siya sa media launch ng Tara Sa Kawit, ang tourism campaign ni Kawit, Cavite Mayor Angelo Emilio Aguinaldo.

Si Gab ang host ng Tara Sa Kawit launch at nagpaunlak siyang magpainterbyu nang matapos ang programa.

Tulad ng ibang mga artista na nagkamabutihan pero nagkahiwalay, ang busy schedule at trabaho nila ni Sanya ang sinabi ni Gab na dahilan kaya hindi nagtagal ang kanilang special friendship.

“Wala po akong masasabi kay Sanya. Sobrang bait na babae po niya, and it just didn’t work out because of work.

“Tuluy-tuloy po kasi ang mga project niya and bihira ko lang po siyang makita.

"I want her to focus on her work and I want to focus on my work.

“It went both ways. Pinag-usapan po namin na I think it’s better to focus on work muna po.

Continue reading below ↓

"Ganoon po ang nangyari, but we’re still friends," paliwanag ni Gab tungkol sa hindi nagtagal na relasyon nila ni Sanya.

May communication pa rin ba sila ngayon?

Tugon niya, “Ahhhh… wala na po.”

Bakit hindi nag-flourish yung friendship nila?

Paliwanag ni Gab, “Work po talaga. Nakita niyo, tuluy-tuloy ang show niya sa GMA, di ba po?

"So, bihira ko rin po siyang makita. Siguro, once every two weeks."

Nagpalitan daw sila noon ng mga regalo?

Mabilis niyang pagsang-ayon, “Of course, sa mga unang ano.

"Ako yung nagregalo kasi birthday niya. Sinurprise ko siya.

"I brought her flowers, sinurprise ko siya sa bahay niya.

"Pero that was a long time ago… last year pa po.”

Masasabi ba ni Gab na mas madaling makipagrelasyon sa hindi artista?

Paliwanag ng Kapamilya actor, “Alam niyo naman po yung showbiz, lahat nakatutok. Kunwari may showbiz [personalities] na together, nakatutok lahat.

Continue reading below ↓

“Mas mabuti minsan na i-discreet para walang nakakaalam.

"Pero it’s work po, e, especially kami sa magkabilang channel.

"Yun naman ang natutunan ko, work muna po."

Pero minahal ba niya si Sanya?

Natatawang pag-iwas niya, “May ganoon na tanong? Mas mabuti po yung discreet. Kunwari hindi nagkatuluyan, wala pong makakaalam.”

Sino ang nakapag-break?

Diin niya, “Mutual nga po.”

Gaano katagal naka-recover si Gab?

Aniya, “Nakakatuwa po yung question niyo. Hindi ko na po maalaala, matagal na po yun."

Takang-taka si Gab dahil nalaman ng entertainment writers ang mga detalye tungkol sa kanila ni Sanya noong maayos pa ang relasyon nila, tulad ng jogging sessions ng dalawa sa UP Diliman.

Si Gab ang unang gumawa ng paraan na makilala nang personal si Sanya.

Nagpatulong siya sa kanyang tita, ang television news reporter na si Mariz Umali na first cousin ng nanay niya. Si Mariz ang nagparating kay Sanya na crush ito ni Gab.

Continue reading below ↓

Si Sanya naman ang nagkumpirma sa entertainment writers sa presscon ng Dahil Sa Pag-Ibig noong May 2019 na tumagal lamang ng halos pitong buwan ang special friendship nila ni Gab dahil pareho silang hindi pa handa.

Right now, hindi ang pagkakaroon ng girlfriend ang priority ni Gab dahil gusto nitong mag-focus sa kanyang acting career at magbiyahe nang magbiyahe sa ibang bansa.

Pahayag niya, “I’m focusing on my craft and siyempre, raket-raket.

"I’ve been travelling more, I went to Taiwan with my brother and sister.

“I went to Bangkok, Thailand by myself for the first time.

"And so far, nag-iipon lang ako ngayon, kasi I wanna travel the world, I want learn different cultures, I wanna taste different food, I wanna see different cities.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya hunk Gab Lagman (left) on aborted romance with Kapuso star Sanya Lopez (right): “Wala po akong masasabi kay Sanya. Sobrang bait na babae po niya and it’s just didn’t work out because of work."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Jay Tablante
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results