Gretchen Barretto, naglabas ng video ni Marjorie na "fuming mad"

by Jojo Gabinete
Oct 20, 2019
Sa video na ibinahagi ni Gretchen Barretto sa Instagram, makikita ang kapatid niyang si Marjorie Barretto at pamangkin na si Nicole Barretto (kaliwang larawan) na nakatayo sa gilid nang yakapin ni Gretchen ang inang si Inday Barretto habang nakatingin sa kanila si Pangulong Rodrigo Duterte; nahagip din sa video si Caloocan Representative Recom Ecchiverri na nakaupo sa tabi ni Senator Bong Go (kanang larawan). Si Echiverri ang matagal nang napababalitang karelasyon ni Marjorie.
PHOTO/S: Screen grab from Gretchen Barretto Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Naglabas si Gretchen Barretto ng video na diumano’y magpapatunay na galit na galit ang kanyang estranged sister na si Marjorie Barretto nang magpunta siya sa burol ng kanilang ama na si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Parks noong nakaraang Miyerkules, October 16, 2019.

Naka-post sa Instagram account ni Gretchen ang video na kuha sa Heritage Chapels, ilang minuto bago sila nagkagulo ni Marjorie at ng pamangkin nilang si Nicole Barretto sa harap nina President Rodrigo Duterte, Senator Bong Go, at ng ibang mga bisita na nakikiramay sa kanilang pamilya.

Makikita rin sa video si former Caloocan City Mayor Recom Echiverri, rumored partner ni Marjorie, ayon kay Gretchen.

Ang video ang ginamit ni Gretchen na dahilan kaya hindi siya nakadalaw sa kanyang ama noong nabubuhay pa ito at naka-confine sa ospital.

Caption ni Gretchen sa video: “Watch carefully Marjorie & Nicole is the one beside her the day of the wake.

Continue reading below ↓

"Watch EX MAYOR ECHIVERRI, feeling part of the barretto family.

"Watch marj itch-very Fuming mad. the relatives were trying to calm her from her insanity,

"now you KNOW WHY I DID NOT GO TO VISIT MY DAD IN HIS LAST DAYS . Marjorie will have an outburst in the ICU."

Continue reading below ↓

LIKE A SHOOTING

Samantala, pabirong sinabi ni Senator Bong Go sa isang panayam na inakala nitong shooting ang mga eksenang nasaksihan niya.

"Nandoon ako pero akala ko po shooting.

"Meron mga… hindi, biro lang. Hindi naman po ako tsismoso.

"Pumunta po kami doon para makiramay sa yumaong ama ng mga Barretto dahil kaibigan po ni Pangulong Duterte ang mga Barretto at, unfortunately, merong away na pamilya.

"Huwag na po natin na palakihin," apela ni Go.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa video na ibinahagi ni Gretchen Barretto sa Instagram, makikita ang kapatid niyang si Marjorie Barretto at pamangkin na si Nicole Barretto (kaliwang larawan) na nakatayo sa gilid nang yakapin ni Gretchen ang inang si Inday Barretto habang nakatingin sa kanila si Pangulong Rodrigo Duterte; nahagip din sa video si Caloocan Representative Recom Ecchiverri na nakaupo sa tabi ni Senator Bong Go (kanang larawan). Si Echiverri ang matagal nang napababalitang karelasyon ni Marjorie.
PHOTO/S: Screen grab from Gretchen Barretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results