Dating isyu nina Claudine Barretto at Angelica Panganiban, naungkat dahil kay Atong Ang

by Jojo Gabinete
Oct 21, 2019
Ano ang kaugnayan nina Claudine Barretto (kaliwa) at Angelica Panganiban (kanan) kay Martin Castro, na binanggit ni Atong Ang sa kanyang pahayag kaugnay ng balitang may relasyon daw sila ni Claudine?
PHOTO/S: Mark Atienza

#TheBarrettoFamilyFeud

Ang pagkamatay ng Barretto patriarch na si Miguel at ang gulong kinasasangkutan ng kanyang mga anak at apo, na nangyari sa burol niya sa Heritage Memorial Park, ang bumuhay sa isang isyung matagal nang namatay at tila nakalimutan na ng publiko.

Ang akusasyon ni Nicole Barretto na inagaw ng kanyang tiya na si Gretchen Barretto ang ex-boyfriend niyang si Atong Ang ang nag-udyok sa businessman para magsalita.

Sa pahayag na ipinadala ni Atong sa ABS-CBN News anchor/reporter na si Henry Omaga-Diaz kagabi, October 20, sinabi niyang business partners lamang sila ni Gretchen at ng longtime companion nitong si Tonyboy Cojuangco.

Nauugnay rin si Atong kay Claudine kaya nagsalita siya ng “Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro, yun lang ang naging relasyon namin."

CLAUDINE BARRETTO-ANGELICA PANGANIBAN FEUD IN 2010

Ang pagbanggit ni Atong sa pangalan ni Martin Castro ang naging dahilan para maalaala ng publiko ang kontrobersiyang pinagpistahan noong 2010.

Continue reading below ↓

Ito ay ang rumored affair ni Claudine kay Martin, na anak ni former Balagtas Mayor Reynaldo Castro.

Nagkamali lamang si Atong sa sinabi nitong nagkaroon si Claudine ng problema sa anak ni “Mayor Martin Castro” dahil si Martin ang mismong napabalita noong karelasyon diumano ng aktres.

Sino si Martin Castro?

Si Martin ang isa sa mga malapit na kaibigan ni Raymart Santiago, ang estranged husband ni Claudine, at ni Derek Ramsay, na boyfriend pa ni Angelica Panganiban noong 2010.

Dating magkaibigan sina Claudine at Angelica, pero nagkasira ang dalawa dahil sa isang malisyosong tsismis.

Pinaratangan ni Claudine si Angelica na siya diumano ang nagkakalat ng balitang may illicit affair sila ni Martin.

Sa panayam kay Claudine noong August 2011, ikinuwento niya na si Atong ang tumulong sa kanya para hindi humantong sa korte ang isyu sa kanila ni Martin at ng misis nitong si Cris Martin.

Ang sister in-law ni Claudine ang nagpakilala sa aktres kay Atong.

Continue reading below ↓

Empleyado ni Atong ang hipag ni Claudine na asawa ni JJ Barretto, ama ni Nicole.

Kaibigan ni Atong si Mayor Reynaldo Castro, ang ama ni Martin.

Si Reynaldo Castro ang officiating mayor sa civil wedding ni Derek kay Mary Christine Jolly sa Balagtas, Bulacan, noong April 3, 2002.

Masasakit na salita mula kay Claudine ang tinanggap noon ni Angelica dahil sa akusasyong siya ang source ng balita na nakikipagrelasyon ang aktres kay Martin.

“Traydor na kaibigan, isang daga na tago nang tago, at baka masunog kapag pinag-pray over” ang ilan sa mga salitang binitawan ni Claudine laban kay Angelica.

Sa interview kay Claudine ni PEP.ph editor-in-chief Jo-Ann Maglipon noong September 2010, sinabi niyang una siyang nagalit kay Angelica dahil sa ipinagkakalat nitong nakakatanggap ng mamahaling regalo si Derek mula sa kanyang kapatid na si Gretchen.

Nagkasama sina Derek at Gretchen sa Magkaribal, ang 2010 primetime series ng ABS-CBN.

Nagkaroon din ng pagkakataon si Jo-Ann na makausap si Cris Castro, ang asawa ni Martin.

Continue reading below ↓

Ayon kay Cris, si Claudine ang nagsabi sa kanya tungkol sa tsismis na may relasyon ang aktres at ang asawa niya.

"I only heard them from Claudine! She's the one telling me. She said she investigated,” sagot ni Cris kay Jo-Ann sa tanong nito na “Claudine has said there are rumors linking her and Martin. Has she heard those rumors?”

Minabuti ni Angelica na manahimik noong kainitan ng away nila ni Claudine, pero parang sinabi na rin niya ang kanyang panig sa final demand letter na ipinadala kay Claudine ng kanyang legal counsel na si Atty. Joji Alonso.

Nakasaad sa final demand letter, na unang inilabas ng PEP.ph, na tigilan na ni Claudine ang pagsasalita laban kay Angelica dahil kung hindi, posibleng humantong sa korte ang usapin.

DEMAND LETTER

Narito ang kabuuan ng demand letter na ipinadala ng kampo ni Angelica kay Claudine:

"Dear Ms. Barretto:

"We are writing on behalf of our client, Ms. Angelica Panganiban.

Continue reading below ↓

"Our client referred to us the matter of your making false accusations against her in print, television and internet media, as well as your acts of making grave threats against her life and well-being.

"In particular, we have gathered that you posted on your Twitter Account about a traitor friend, who has allegedly been saying malicious things about you and your family. In a subsequent interview, you identified the person you were referring to in your "tweets", to be Ms. Panganiban. You likewise accused Ms. Panganiban, in your other interviews, of spreading rumors that you are having an illicit affair with a certain Mr. Martin Castro and that Ms. Panganiban is out to ruin Mr. Derek Ramsay and Mr. Castro's friendship.

“You further accused Ms. Panganiban is out to ruin Mr. Derek Ramsay and Mr. Castro's friendship. You further accused Ms. Panganiban of spreading rumors that Mr. Castro is a drug-addict.

Continue reading below ↓

"Contrary to your baseless accusations, our client has not done any of the things you have accused her of. She has not committed anything wrong, much less, maligned you or any member of your family.

“ On the contrary, it is our client who is being maligned by your unfounded accusations. You have placed our client's reputation and good name in a bad light, in the eyes of the public. Your malicious statements have unduly exposed our client to public hatred and contempt and have caused derogatory feelings against her.

"We have further gathered that on 8 August 2010, you called Ms. Panganiban and threatened her in this manner, "[P]apatayin kita. Wawasakin ko mukha mo. You don't deserve to live. Suntukan tayo ngayon na."

“ You likewise conveyed this threat against the life of Ms. Panganiban to no less than Ms. Mariole Alberto, Head of Star Magic, when you said "Wawasakin ko ang mukha niya pag nagkita kami Tita."

Continue reading below ↓

"Your threat against the life of our client, which was not made in jest, is a grave threat punishable under our penal laws.

"Let this, therefore, serve as a FINAL DEMAND on you to immediately cease from making any more false accusations and damaging remarks against our client, and to stop threatening her life and well-being.

"We likewise hereby demand a retraction from you of your libelous and slanderous statements, to correct the negative impression created in the minds of the people who have read or heard your statements against our client.

“Should you fail to do so within seven (7) days from receipt of this letter, we shall be constrained to take whatever legal action necessary to protect the interests of our client. We trust that this merits your preferential attention.”

Hindi malinaw kung ano ang kinahinatnan ng isyung ito sa pagitan nina Claudine at Angelica o kung nagkaayos na ba sila nang tuluyan.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ano ang kaugnayan nina Claudine Barretto (kaliwa) at Angelica Panganiban (kanan) kay Martin Castro, na binanggit ni Atong Ang sa kanyang pahayag kaugnay ng balitang may relasyon daw sila ni Claudine?
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results