Anne Curtis, final choice para magbida sa pelikulang The Nurse

by Jojo Gabinete
Oct 21, 2019
Si Anne Curtis ang final choice nina Juna Lana at Perci Intalan para magbida sa horror film na The Nurse.
PHOTO/S: Noel Orsal

Si Anne Curtis ang final choice para magbida sa The Nurse, ang horror movie na joint co-production venture ng Viva Films at The IdeaFirst Company.

Si Lorna Tolentino ang co-star ni Anne, at kukunan sa ibang bansa ang mga eksena ng pelikula.

Ayon sa The IdeaFirst Company producer na si Perci Intalan, early next year ang target para sa principal photography ng The Nurse.

Si Anne ang napiling bida dahil nakatrabaho na nila ang aktres sa 2016 comedy movie na Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?

“Actually, matagal nang gusto ni Jun [Lana] na maka-work uli si Anne kasi last na naka-work namin siya, nun pa, sa Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend, na before Die Beautiful pa.

"Nagkita kami uli and sabi namin, mag- pitch kami ng project para maka work siya uli.

"Nagustuhan naman niya agad yung script ng The Nurse and plan namin na mag- shoot abroad.

Continue reading below ↓

"Inaayos lang namin kung saan," pahayag ni Perci sa Cabinet Files.

Habang pinaghahandaan pa nina Jun at Perci ang The Nurse, nakatutok muna ang atensiyon nila sa Unforgettable, ang pelikulang pinagbibidahan ni Sarah Geronimo na magbubukas sa mga sinehan sa Miyerkules, October 23, 2019.

Co-production venture din ng Viva Films at ng movie company nina Perci at Jun ang Unforgettable na magkakaroon ng red-carpet premiere sa Cinema 1 ng SM Megamall ngayong gabi, October 21.

Hindi mabibigo ang mga nag-aabang sa pagdalo ni Milo sa premiere ng Unforgettable dahil kumpirmado ang attendance niya.

Si Milo ang talented dog na co-star ni Sarah sa pelikula at siya ang gumanap sa karakter ni Happy.

Postscript: Si Nadine Lustre ang na-consider noong nakaraang taon para magbida sa The Nurse, pero nagdesisyon si Jun na palitan siya.

Walang ibinigay na dahilan si Jun sa pasya nito maliban sa kanyang tweet na "#SorryNotHappening#MovingOn."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Si Anne Curtis ang final choice nina Juna Lana at Perci Intalan para magbida sa horror film na The Nurse.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results