Pekeng Philippine passport ni Samantha Lo, hindi napansin ng immigration sa NAIA

Mga magulang ni Samantha Lo, inaming "fixer" ang nag-ayos ng passport ng beauty queen.
by Jojo Gabinete
Oct 21, 2019
PHOTO/S: Samantha Lo Instagram

Ang official statement na inilabas ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. tungkol sa mga tunay na nangyari sa detention at deportation kay Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo sa Paris, France ang nagdawit sa Philippine Bureau of Immigration sa kontrobersiya.

Na-detain sa Paris airport at na-deport mula sa France si Samantha dahil natuklasan ng French immigration authorities na fake ang Philippine passport na hawak niya.

Nakapagtatakang hindi ito napansin ng immigration officer sa Ninoy Aquino International airport nang umalis si Samantha sa bansa noong October 9 para sa Miss Grand International 2019 sa Caracas, Venezuela.

Nakasaad sa opisyal na pahayag ng BPCI na inamin sa kanila ng mga magulang ni Samantha na isang “fixer” ang nag-ayos ng passport ng kanilang anak.

Kung nadiskubre ng immigration officer sa Pilipinas na tampered o may mali sa passport ni Samantha, tiyak na nakaiwas ang beauty queen sa kahihiyang dinanas niya sa Charles de Gaulle airport sa Paris, France.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may posibilidad na ang kanyang US passport ang ipinakita ni Samantha sa immigration officer on duty sa NAIA noong October 9, 2019 kaya hindi nagkaroon ng aberya sa pag-alis niya.

May mga haka-haka namang baka naging maluwag kay Samantha ang immigration officer dahil walang mag-aakala na fake ang kanyang Philippine passport bilang siya ang kinatawan ng Pilipinas sa isang international beauty pageant.

At any rate, naging pabor kay Samantha ang kontrobersiya tungkol kanyang fake passport.

Si Samantha ang nangunguna sa kasalukuyan sa botohan para sa best in swimsuit category ng Miss Grand International 2019 dahil nakuha niya ang simpatiya ng publiko.

Isa lang ang magiging problema ni Samantha—ang official statement ng BPCI na isang “fixer” ang nagbigay ng kanyang Philippine passport na maaaring makaapekto sa kanyang laban sa Miss Grand International dahil pinahahalagahan sa ilang mga beauty pageant ang integridad at pagiging tapat ng mga kandidata.

By now, tiyak na nakarating na sa organizer ng Miss Grand International ang official statement ng BPCI at ang lingid sa kaalaman nitong pagpunta ni Samantha sa Venezuela.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Samantha Lo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results