Sarah Geronimo, pinaluha ang audience dahil sa pagganap niya sa Unforgettable

by Jojo Gabinete
Oct 22, 2019
Marami sa mga nakapanood ng Unforgettable ang naniniwalang posibleng manalo ng award si Sarah Geronimo dahil sa pagganap niya sa Unforgettable.
PHOTO/S: Mark Atienza

Pinaluha ni Sarah Geronimo ang mga dumalo sa red-carpet premiere ng Unforgettable na ginanap sa Cinema 1 ng SM Megamall kagabi, October 21, dahil sa kanyang mahusay na pagganap at heartwarming scenes ng pelikula.

Tumanggap ng mga papuri si Sarah at ang mga direktor na sina Jun Lana at Perci Intalan dahil nakabuo sila ng isang pelikula na simpleng-simple ang kuwento pero kapupulutan ng maraming aral.

Magkakaroon si Sarah ng mga acting nomination sa susunod na taon at malaki ang tsansa niyang manalo na best actress ang hula ng manonood dahil sa kanyang makatotohanang pagbibigay-buhay sa katauhan ni Jasmine.

Sina Ara Mina at Meg Imperial ang mga gumanap na kapatid ni Sarah sa Unforgettable, pero kahit nagkakaroon sila ng mga tampuhan at hindi pagkakaunawaan, wagas ang pagmamahal nila sa isa’t isa, na hindi nakikita ng mga taong sumusubaybay sa mga walang katapusang eskandalo na nangyayari sa buhay nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto.

Continue reading below ↓

Puwedeng-puwedeng panoorin ng mga maliliit na bata ang Unforgettable dahil sa G classification na ibinigay ng MTRCB sa pelikula na nagpapaalaala sa lahat na kahit masakit ang katotohanan, dapat na maging matapat ang bawat isa at ang kahalagahan ng pagdarasal bago kumain.

Isang feel-good movie ang Unforgettable na sinuportahan nina Cherie Gil, Regine Velasquez, Dennis Padilla, Marco Gumabao, Anne Curtis, at ng isang surprise guest actor na nagpakilig sa audience.

May special participation din sa Unforgettable si Delfin Geronimo, ang ama ni Sarah.

Lumabas na si Delfin sa isang television commercial ng kanyang anak at may mga billboard sila.

Kung hindi kami nagkakamali, ang cameo role niya sa Unforgettable ang unang pagkakataong umarte si Delfin sa pelikula.

Dumalo sa premiere night ng Unforgettable si Milo, ang aso na gumanap na Happy.

Dahil hayop siya, hindi pinayagan ang co-star ni Sarah na makapasok sa loob ng sinehan para mapanood niya ang sariling pelikula.

Continue reading below ↓

Nang matapos ang screening ng Unforgettable, pinasalamatan ni Sarah ang lahat ng mga nanood.

NOTTING HILL MOMENT

Maligayang-maligaya naman sina Perci at Jun dahil sa mainit na pagtanggap ng manonood sa kanilang pelikula.

Inihalintulad ni Perci sa Notting Hill movie ni Julia Roberts ang kanyang Unforgettable-premiere experience dahil sa mga katangian ni Sarah na nakita niya.

“I had a Notting Hill moment tonight.

"Since January, I was with this girl at meetings, at script readings, at the look test and at 25 or so days of filming.

“She was so down-to-earth and so simple and unassuming.

"She didn't make anyone feel that she was bigger than any of us.

"She was there to work, like all of us. And we simply had a good time doing so.

"Then tonight we went to the holding area and saw her all glammed up.

"The guards lined up and escorted us out the hallway and we emerged here, with all the screams from all the fans.

Continue reading below ↓

"And she was switched on. She worked the crowd and cameras like the pro she is.

"And I looked at the girl I knew and here she is now... enchanting, dazzling, a star.

"Now I know for sure why people adore Sarah G."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marami sa mga nakapanood ng Unforgettable ang naniniwalang posibleng manalo ng award si Sarah Geronimo dahil sa pagganap niya sa Unforgettable.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results