Matteo Guidicelli, sexiest Pedro Penduko?

by PEP Troika
Oct 22, 2019
Matteo Guidicelli on being chosen to play Pedro Penduko: "Overwhelming. We all know Pedro Penduko is a big big name in Philippine cinema and Philippine culture so it’s such an honor and privilege to hopefully, carry it out with justice o and credibility."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Viva Films

Penduko at hindi na Pedro Penduko ang final title ng pelikula ng Viva Films na pagbibidahan ni Matteo Guidicelli.

Si Jason Paul Laxamana ang bagong direktor ng project at siya rin ang sumulat ng kuwento ng launching movie at solo starrer ni Matteo.

Stunt director naman si Sonny Sison, ang Filipino-American stunt director ng ilang Hollywood action movies.

Ang mga pagbabago sa Penduko ang official announcement ng Viva Films producer na si Vincent del Rosario ngayong gabi, October 22.

Para naman kay Matteo, malaking karangalang ipinagkatiwala sa kanya ng Viva Films ang pagbibida sa Penduko pero nakakaramdam din siya ng pressure.

“Overwhelming. We all know Pedro Penduko is a big big name in Philippine cinema and Philippine culture so it’s such an honor and privilege to hopefully, carry it out with justice o and credibility.

"Siyempre, sobrang pressure, but gagawin namin ang lahat.

"We’ve been training for two three months already and Direk’s writing a whole new script and we are very excited to give a new twist, new taste,” pahayag ni Matteo.

Continue reading below ↓

Nagpasalamat si Matteo sa opinyon na siya ang sexiest Pedro Penduko.

“Dapat" ang sagot ni Matteo sa tanong kung magiging unforgettable para sa kanya ang Penduko.

Ang Unforgettable ang pamagat ng pelikula ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo na bukas, October 23, ang opening day sa cinemas nationwide.

"Dapat may guesting dito si Milo [ang asong co-star ni Sarah sa Unforgettable]," ang pabirong sabi ni Matteo.

Dahil nabanggit ang Unforgettable, nagkuwento si Matteo na panonoorin nila ng kanyang pamilya ang regular screening ng pelikula ni Sarah.

"We’re gonna watch the regular screening with my whole family.

"My little brother is very excited to see Unforgettable and the comments, the love that people has been giving about the movie.

"She [Sarah] has worked hard for it and it deserve all the success," sabi ni Matteo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli on being chosen to play Pedro Penduko: "Overwhelming. We all know Pedro Penduko is a big big name in Philippine cinema and Philippine culture so it’s such an honor and privilege to hopefully, carry it out with justice o and credibility."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results