Marjorie Barretto, iginiit na nagkarelasyon sina Atong Ang at Nicole Barretto

by Jojo Gabinete
Oct 22, 2019
Marjorie Barretto on Atong Ang's denial that he had a romantic relationship with her niece, Nicole Barretto: "Huwag naman niyang babuyin yung bata. Nakuha na nga niya nang bata si Nicole noon."
PHOTO/S: Screen grab from TV Patrol / Facebook

#TheBarrettoFamilyFeud

Nakatulong kay Marjorie Barretto ang pagsasalita nito sa TV Patrol tungkol sa matinding away nila ng kapatid niyang si Gretchen Barretto dahil nadagdagan ang mga nakikisimpatiya sa kanya.

Sa wakas ay inamin na rin ni Marjorie sa publiko ang pagkakaroon niya ng anak kay former Caloocan City Mayor Recom Echiverri na madalas gamitin ni Gretchen na pananakot sa kanya.

Kasalukuyang nasa Amerika si Gretchen, pero mabilis na nakarating sa kanya ang mga kuwento at sagot ni Marjorie sa panayam ni Karen Davila.

Dahil nasa malayong lugar, ang kanyang Instagram account ang ginamit ni Gretchen para sagutin ang mga pahayag ni Marjorie sa TV Patrol.

Sangkot din ang pangalan ni Atong Ang sa exclusive interview ng TV Patrol kay Marjorie dahil pinatotohanan nitong matagal na nakarelasyon ng businessman ang kanyang pamangkin na si Nicole Barretto.

Marami ang napaisip sa disturbing revelation ni Marjorie na hindi pa 18 years old si Nicole nang makarelasyon ito noon ni Atong.

Continue reading below ↓

Sabi ni Marjorie: "Huwag naman niyang babuyin yung bata.

"Nakuha na nga niya nang bata si Nicole noon.

"Can you imagine, how old is Nicole, 25?

"They had a five-year relationship, of course, she was not even nineteen, eighteen?

"Nababoy na nga, e. Nasira na nga yung reputasyon ng bata, 'tapos ide-deny mo na naging sekretarya mo na lang?

"That I have personal knowledge of."

Kontra ito sa pahayag ni Atong na hindi siya nagkaroon ng relasyon kay Nicole at walang katotohanan ang akusasyon nitong inagaw siya ni Gretchen.

Sa katapusan ng panayam ni Marjorie, may apela ito sa kontrobersiyal na negosyante: “Atong, huwag mo akong saktan, ha?

"You know, everybody warned me that he could get back at me.

"So I came out on TV na sana… since I named you already, huwag mo akong saktan."

TEAM GRETCHEN VS TEAM MARJORIE

Very passionate at intense naman ang talakayan ng mga Pilipino tungkol sa eskandalong kinasasangkutan ng Barretto sisters dahil matindi ang kanilang balitaktakan kaya nagkaroon ng Team Gretchen at Team Marjorie.

Continue reading below ↓

Nagmistulang supporting cast lamang si Claudine Barretto dahil ang kanyang mga nakatatandang kapatid ang nasa sentro ngayon ng kontrobersiya.

Pero hindi dapat ipagwalang-bahala ang pagiging suporta ni Claudine dahil kung kilala natin ito, tiyak na may pasabog siya sa mga susunod na araw.

Actually, na-preempt na ni Gretchen ang gagawing aksyon ni Claudine dahil sa kanyang sinabing magsasampa ng molestation case laban kay Echiverri ang bunsong kapatid nila.

Hihintayin lamang umano ni Claudine na makalipas ang ika-40 araw ng pagpanaw ng kanilang ama na si Miguel Barretto.

Sinagot ni Marjorie sa TV Patrol ang sinasabi ni Gretchen na asunto na pinaplano ni Claudine laban kay Echiverri.

Kinumpirma ni Marjorie na unstable si Claudine at, ayon sa kanya, "molested" ang favorite word ni Gretchen.

Isang source ng Cabinet Files ang nagsabing maging ang businessman na si Atong Ang ay hindi naniniwala sa paratang ni Claudine laban kay Echiverri.

Kung naging biktima nga ng pang-aabuso ang aktres, bakit dalawang beses itong lumapit sa former mayor ng Caloocan para humingi ng financial help?

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Marjorie Barretto on Atong Ang's denial that he had a romantic relationship with her niece, Nicole Barretto: "Huwag naman niyang babuyin yung bata. Nakuha na nga niya nang bata si Nicole noon."
PHOTO/S: Screen grab from TV Patrol / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results