Jasmine Curtis-Smith, wala pa raw matinding away sa kapatid na si Anne Curtis

by Jojo Gabinete
Oct 24, 2019
Jasmine Curtis-Smith (left) on past feud with sister Anne Curtis: "Three times lang kami siguro nagkaroon ng problema ni Ate, and that’s small or tampo lang. Hindi siya yung tipong lumaki, so wala."
PHOTO/S: Instagram / Noel Orsal

Hot topic pa rin ang kaguluhang nangyayari sa pagitan ng Barretto sisters, kaya ito ang isa sa mga itinanong kay Jasmine Curtis-Smith sa presscon ng pelikulang Cara X Jagger kagabi, October 23, 2019.

Nahirapan si Jasmine na sumagot nang tanungin kung nagkakaroon ba rin sila ng alitan ng kanyang kapatid na si Anne Curtis.

Sa pagkakaalam ni Jasmine, tampuhan lang at hindi malaking away ang nangyari sa kanilang magkapatid.

At kung may problema man sila, pinag-uusapan nila at hindi na ipinararating sa ibang mga tao.

Pahayag ni Jasmine, "The thing is, kami talaga ni Ate, as much as possible, hindi namin ipinapaabot kahit kanino, kahit friends.

"As much as possible, kahit sa sarili naming mga management.

"Kumbaga, kung sino lang yung involved sa problema, kami-kami lang talaga.

"And bihira kaming magkaroon ng problema sa aming dalawa ni Ate or even yung mga kapatid ko, either above 40s na or younger than me also, and ang agwat din namin ni Ate is nine years.

Continue reading below ↓

"So, hindi pa rin talaga kami nagkakaroon ng chance na mag-away."

"Wala… my God, kahit kurot-kurot ng kili-kili, walang ganoon!" ang nagulat namang sagot ni Jasmine sa tanong kung umabot ba rin sa sabunutan ang tampuhan nila ni Anne.

Dagdag niya, "Wala kasi kaming ganoong tipo ng away ni Ate.

"Parang ano lang… siguro mabibilang mo sa isang kamay.

"Three times lang kami siguro nagkaroon ng problema ni Ate, and that’s small or tampo lang.

"Hindi siya yung tipong lumaki, so wala, as in ang hirap sagutin kasi wala.

"Hippies kami ni Ate—peace, love, and happiness lang.

"Sorry, ha, wala kang masasagap na isyu sa akin. Masyado kaming peaceful," nakangiting pahayag ni Jasmine.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jasmine Curtis-Smith (left) on past feud with sister Anne Curtis: "Three times lang kami siguro nagkaroon ng problema ni Ate, and that’s small or tampo lang. Hindi siya yung tipong lumaki, so wala."
PHOTO/S: Instagram / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results